BL-Taglish Romance
Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WIN
The moment I finished drafting the email, I read it carefully and then hit the send button. Para akong nabunutan ng tinik nang matapos. Nagawa ko pang mag-inat at saka ako sumandal sa aking office chair.
Ako na lang mag-isa ngayon sa loob ng office. OTY ako ng isang oras para lang mayari ang pinapagawang report ni Sir Henry. Ayaw ko namang iuwi sa bahay itong trabaho kaya ayos na rin dahil natapos ko na ito. Wala na akong iintindihin pa pag-uwi.
Hindi pa naman ganoon kadilim sa labas nang sumulyap ako sa glass wall. Napahilot ako sa sintido ko nang makaramdam ng kirot. Kakatutok ko siguro 'to sa screen ng laptop kaya ang sakit ng ulo ko. Pahinga lang ang katapat nito at mawawala na rin agad. Hanggang ngayon ay nag-uumapaw pa rin ang pagkainis ko sa matandang hukluban na 'yon. Mga tamad talaga ang nasa Designing Department kagaya niya! Kainis!
I packed my things and finally stood up. Kamuntikan pa akong matumba. Mabuti na lang at napahawak agad ako sa sandalan ng upuan kung hindi ay sasaluhin ako sa sahig.
"Damn," napamura na ako nang kumirot na naman ang ulo ko. I think I'll need meds when I get home. Baka mapunta pa sa trangkaso ito.
Bitbit ang maliit na bag at ang bouquet ng white tulips na galing kay Ren ay bumaba na rin ako ng ground floor. Wala ng kahit na sino. Ako na lang talaga ang nandito sa building.
Unti-unti ay sumibol ang ngiti ko nang matanaw ang isang pamilyar na kotse sa labas.
"Wren!" sigaw ko nang makalapit sa kotse niya. I saw him leaning against the wall.
"Tagal mo. Isang oras? Ano ba 'yang report na niyari mo? Who gave you that? Kakausapin ko bukas!" masungit niyang tanong.
"Sira," usal ko sabay tapik sa braso niya.
"Kanina ka pa, 'no? Sorry at pinaghintay kita," sabi ko sa kaniya.
"Hahayaan ba kitang umuwi mag-isa? Alam ko namang hindi ka susunduin ni Rendy."
Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko nabahagi sa kaniya ang tungkol sa sinabi ni Ren.
"I saw the news online. Nasa Davao sila ngayon. Shooting ng series nila sa Outland adventure park," walang kaamor-amor na sabi niya. "Ano 'yan? Galing sa kaniya?" He was pertaining to the flowers I was holding. Tumango ako sa kaniya.
"Monthsary namin bukas. Advanced gift niya."
"Sabihin mo, pampalubag-loob dahil wala siya rito at nagpapakasaya sa Davao!" Tingnan mo 'to! Ang lakas pa mang-asar!