BL-Taglish Romance
Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WIN
Naging madali para kay Ren ang hilahin ako palabas ng unit ni Warren. He slammed Wren's door closed and dragged me inside ours, causing me to frown at the pain from his tight grip on my wrist.
Halos masira ang pinto ng unit namin ng isara niya ito. He even locked it and stood dominantly while facing me. Walang pagsidlan ang kaba sa puso ko. It felt like any moment now, my heart was about to explode.
The way Ren glared at me sent shivers down my spine. I could see dark clouds surrounding his head.
"Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan?" His voice was calm and deep, but I could sense how angry he was.
"R-Ren, Warren needs me. W-we need to bring him to the nearest hospital. Kailangang gamutin ang mga sugat niya. They were bleeding nonstop, and if we let it prolong, he would be in danger." I tried my best to explain everything. Halos malunok ko ang mga letra na aking sinambit dahil sa takot na baka magalit sa akin si Rendy. Mahal ko siya, sobra-sobra, ngunit ngayong kailangan ni Warren ang tulong ko ay hindi ako magdadalawang isip na baliin ang mga gustong mangyari ni Rendy.
"Walang aalis," sambit niya, buo ang loob. He even blocked my way out.
"I know you're mad at him for what happened back at La Dolce, but Ren, please! Help me bring Warren to the hospital!" I pleaded. Halos lumuhod na ako sa harapan niya, ngunit nagmistulang bato ang puso niya. His ears seemed deaf to all my pleas.
A sudden thought of Warren in his room entered my mind. The idea of him bruised and weak made me feel terrible. Kailangan kong magmadali bago pa kung anong mangyari sa bestfriend ko!
I hurriedly walked toward Ren and tried to grab the doorknob. Pinigilan niya ako.
"Bakit ba gustong-gusto mong tulungan ang walang kwenta na 'yon, Win?!" sigaw sa akin ni Ren. Natigilan ako, tila nabingi sa mga salitang binitawan niya. Warren might seem like nonsense to him, but for me, he's everything. Mahal na mahal ko si Rendy pero mas malalim at mas matibay ang nabuo naming relasiyon ni Warren bilang magkaibigan. Hindi ko lang siguro matanggap na sabihan niyang walang kwenta ang bestfriend ko dahil sa katunayan ay si Warren ang siyang laging nandiyan sa tuwing tinatalikuran niya ako. He has no idea how genuine Warren really is.
"Wala ka ba talagang konsensiya, Ren? You're the one who almost killed him, and yet I don't see any trace of conscience on your face. Tao ka pa ba?" He was taken aback by the words I said. I meant every single word that came out of my mouth. If that's the only way to convince him to bring Warren to the hospital, then I wouldn't hesitate to tell him harsh truths.
"If you don't really have the heart to help me, just let me do it on my own. P'wede kaming mag-taxi kung hindi mo kami magagawang ihatid sa ospital, Ren," sambit ko. Himala na hindi na siya umalma sa kagustuhan kong makalabas. Nakita ko na lang ang sarili na nasa harap ng pinto ni Warren. I didn't waste any time and ran toward my best friend. Dahil sa kusina ko siya iniwan kanina ay doon agad ako nagtungo. He's not there.