🚩25: Vintage Feelings

327 8 2
                                        

WIN

"Sigurado ka na ba talaga diyan sa plano mo, Win?" tanong sa akin ni Calvin.

I didn't hesitate to nod my head and give him a tiny smile. Alam ko namang suportado niya ako sa kung ano man ang mga naikukuwento ko sa kaniyang plano.

Nandito kami ngayon sa shop ko sa pinakasulok ng lugar malapit sa glass curtain kung saan matatanaw ang abalang kalsada ng Riverside Valley. There are plenty of people inside my coffee-flower shop. Fortunately, the noise from their chatter didn’t affect my conversation with Calvin.

"Kanina mo pa ako kinakamusta samantalang ikaw 'tong alam kong nagsesenti pa rin." Pinanliitan ko siya ng mga mata, tinatantiya. "Ni hindi ka nga um-attend sa kasal ni Pablo at Amanda—" nahinto ako nang maalala ang insidente sa kasal.

Tatlong buwan na rin simula noong kitilin ni Rendy ang sariling buhay sa harapan ko at ni Warren. That incident has made a huge hole in my heart, and a scar that will surely remain forever. Gumawa ito nang malakas na ingay sa media. Kahit na biglang nawala sa industriya si Ren noon, maraming tao at mga kapwa niya artista ang nagulat sa sinapit niya. I even saw Francis at his funeral. Oo. I attended his funeral. Alone. Wala na kasi si Warren dito noon.

"Masaya na ako para kay Amanda, Win. Whatever happened between us before will remain a beautiful memory we shared. Masaya na akong nakakita siyang bumuo ng pinapangarap niyang pamilya—and Win, si Attorney Pablo na 'yon, oh! Alam kong hindi siya pababayaan noong lalaking 'yon!" proud na proud na sabi ni Calvin sa akin.

Kahit anong gawin niya, kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata nito. I know how much he loves Amanda. Kahit na may bago na siyang nililigawan ngayon, I know how much he loves and values Amanda, that girl.

"Win," pagkuha ni Calvin ng atensiyon ko. Right at that moment, I saw concern in his eyes. There was a hint of pity that I didn’t want to acknowledge.

I didn’t respond to him.

“Don’t blame yourself for Rendy. It’s not your fault that it happened.”

Napansin niya siguro ang biglang pagkawala ko sa focus. Naramdaman ko tuloy ang luha na unti-unting nabubuo sa gilid ng aking mga mata. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

I was about to leave when Adrian approached us, a tray in his hands. He served our coffee just on time.

"Sorry, natagalan," sabi niya. "I'm still learning how to make the perfect blend para naman kapag umalis na si Win ay hindi mapahiya ang Warren's Winflower Café na ako ang pinili niyang maging bagong Restaurant Manager ng shop," sabi niya pa.

"Alam ko namang hindi mo pababayaan ang shop ko hanggang sa bumalik ako. You deserve the shot, Manager Adi," I told him. Ginawa kong masigla ang boses kahit na sa kabilang panig ng puso ko ay gumuguho na.

Sumibol ang magandang ngiti sa labi niya. "I promise I won't fail you with this, Win. Aalagaan ko ang shop mo like how you took good care of it." Lumapit si Adi sa akin at niyakap ako. His hug brought comfort to my heart.

Nagpaalam na siya sa akin at iniwan na kami ni Calvin dalawa. The two of us talked during our remaining time, sharing little stories until we agreed to say our goodbyes

Nauna na siyang umalis matapos magpaalam at yumakap sa akin. Kikitain pa kasi nito ang nililigawang aktres na si Solene.

Nang maiwan ako mag-isa sa table namin ay pinagmasdan ko muna ang buong coffee-flower shop, inaalala ang lahat ng masasayang ala-ala ko sa lugar at kung gaano ako nagsumikap na mabuo ito. Alam kong hindi pababayaan ni Adrian ang shop ko na ito kaya siya ang napili kong maging manager sa mga panahong wala ako sa Riverside Valley. I know he needs money to earn for his parents and I'm just here to help him. In return, he will fulfill my responsibilities as the manager of Warren's Winflower Café. Malaki ang tiwala ko sa kaniya kaya sana ay hindi niya ito sayangin.

The Red Flag Enjoyer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon