WARREN
Hinatid ako ni Pablo sa labas ng apartment na nirentahan niya. Bakas ang lungkot sa mga mata nito ngunit kung magpapadala ako sa mga pinapakita niya'y mapapabayaan ko naman si Win.
"Mag-iingat ka sa biyahe," sambit niya.
Lumapit ako sa kaniya at saka yumakap. He responded to me. The moment I felt his arms around my body, I felt secured and guarded. It's been a while since the last time I felt this kind of feeling, mula pa sa taong hindi pa nakikita ang halaga ko, ang pagmamahal ko.
Hindi mahirap mahalin si Pablo. Nasa kaniya na halos lahat. Mula sa magandang propesiyon, magandang pangangatawan, kaaya-ayang ugali, mukha na akala mo ay hinulma sa ganda nang pagkakagawa. Sobrang s'werte ko sa kaniya ngunit sa kabila ng lahat ay si Win pa rin ang tinitibok ng puso ko. Iyong tao pa na hindi marunong makiramdam. Sinubukan ko namang mahalin si Pablo. Kaya nga hinayaan ko siyang manligaw, e. Pero tama nga siya, kailangan kong sundin ang puso ko. Dahil sa mga sinabi niya sa akin ay parang nagkaroon ako ng lakas ng loob. Kung sakaling hindi kagaya ng pagmamahal ko ang nararamdaman ni Win para sa akin, panahon na siguro para sumuko. Sobrang daming taon akong nagmahal nang palihim sa taong bulag mula sa labis niyang pagmamahal sa maling tao. Kung mare-reject ako ay oras na siguro para buksan ko ang puso sa iba, na kagaya ni Pablo. Tao na handang ibalik ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kaniya.
"Thank you," bulong ko habang nilulubos ang init ng yakap nito.
Nang humiwalay ako ay maaliwas na ang kaniyang mukha. I can no longer see any trace of sadness in his eyes. Isang yakap lang pala ay sapat na para mapasaya ko siyang muli. Nakakalungkot din na makita siyang masaktan nang ganito. Marami na rin siyang nagawa sa amin ni Win, naisakripiaiyo, lalo na sa kaso ni Win sa NMC, at hindi siya nagpabayad doon. Kaya deserve niya lahat ng ito, na masamahan ko sa probinsiya kaso nagkaroon naman ng aberya.
"Babawi ako sa 'yo kapag nakabalik ka na sa Riverside Valley. Pangako 'yan," nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Promise?" he asked.
Tumango ako. "Promise!"
Matapos ang maikling paalamanan kay Pablo ay nag-umpisa na ako sa mahabang pagmamaneho. There were questions running in my mind every now and then. Kahit nasa biyahe ako ay sinubukan ko pa ring tawagan ang best friend ko ngunit kagaya lang din kahapon, he wasn't responding to my calls. That's not normal of him. He never ignored any calls I made or the text messages I sent him. That's why I almost lost my mind, wondering if he was okay in Riverside Valley.
Kahit walang amusal at gutom ay hindi ko magawang huminto sa fastfood para kumain, o kahit mag drive thru man lamang. I just want to see Win as early as possible. I don't want this feeling. Something about this is not right. Sana lang ay mali ako, na natutulog lang si Win sa unit niya kapag nakauwi na ako ng Skyline. O, baka may emergency na lakad at naiwan lang ang phone kaya hindi niya ako masagot.
Kinain din ng halos apat na oras ang biyahe nang makabalik ako sa Riverside Valley. I drove straight to the parking lot of the Skyline Condominiums and jumped on the elevator to go on our floor.
My heart was racing so fast as if I was part of a marathon contest.
Nang makatapak ako sa palapag namin ay may kung anong kaba sa puso ko. Ayaw ko nang ganito! Pakiramdam ko ay mababaliw ako.
Since I have a spare key of Win's unit, I wasted no time and opened his unit only to find nothing.
I called his name, once, twice. I searched him everywhere but there was no any trace of his presence until I saw his things on the couch.
"Fuck! Where are you, Win?" I said to myself, frustrated. Nakita ko ang phone nya sa loob ng bag nito.
How can I find you?
BINABASA MO ANG
The Red Flag Enjoyer (BL)
RomanceBL-Taglish Romance Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a...
