🚩13: Inside the Closet

364 12 8
                                        

WIN

My life went into a never-ending catastrophe. Akala ko'y tapos na ang tadhanang saktan ako nang tanggalin niya sa buhay ko ang taong akala ko'y parte nito. Hindi pa pala. My case is still ongoing with the Nexion Mobile Company. Hindi naman ako papayag na gano'n-gano'n na lang. Kahit na hindi na ako makabalik sa trabaho, gusto ko lang malinis ang pangalan ko at malaman kung sino ang tao na nasa likod nang pagsasabutahe sa akin.

I still can't bring myself to stay in my unit. I went there once, but I never tried again. Miski ang paboritong pabango ni Rendy ay naaamoy ko pa rin doon. Hindi maganda sa akin 'yon lalo na't gusto ko nang makausad at kalimutan siya.

As of now, I am staying at Warren's unit. Nakakahiya na siya pa ang kumukuha ng mga damit ko mula sa aking unit dahil hindi ko magawang makapasok sa sarili kong condo.

Sa loob ng tatlong araw na lumipas ay dito ako tumutuloy kasama ni Warren. We share in bed, and in return, I keep his unit clean and neat. Iyon lang ang tinatanggap niyang gawin ko dahil hindi niya naman ako mapipigilan doon. Sinubukan kong magbigay ng pera sa kaniya para sa mga stock namin ng pagkain pero hindi niya tinanggap.

Malapit nang mag alas singco kaya maya-maya ay lalabas na rin siya ng trabaho. Mas magaling siyang magluto sa aming dalawa pero sinubukan ko pa ring ipagluto siya ng adobong baboy. Sana ay magustuhan niya.

I settled down on the sofa and turned on the television. Mukha agad ni Rendy ang bumungad sa akin.

Agad kong pinatay ang TV at tumayo. Bigla akong nawalan ng gana manood. Mas mabuti pa ay abangan ko na lang siguro si Warren sa lobby ng Skyline.

Dahil malamig doon gawa ng aircon ay pumasok muna ako ng k'warto niya. Hindi naman magagalit 'yon kung hihiramin ko ang isa sa mga jacket niya.

Nang makapasok sa k'warto ay dumiretso agad ako sa kaniyang walk in closet. I opened the closet door, my fingers lightly brushing against Warren’s jacket when something metallic caught my attention. It was positioned in the corner—small, almost unnoticeable if you weren’t looking closely. Isang lockbox.

Hindi ito kalakihan, sakto lang sa dalawang kamay, and the metal had a cool, almost distant feel. It looked worn, as if it had been opened and closed several times already, yet it carried a certain weight—parang may mahalagang bagay sa loob. The small lock, though simple, was perfectly intact, as if it was meant to safeguard something important.

Napaisip ako, bakit nga ba kailangan ni Warren ng ganitong klaseng box?

I examined it more closely, tracing the faint scratches and dents on its surface. May maliit na keyhole, seemingly inviting but still closed off—just like Warren sometimes. My heart began to race a little. Ano kaya ang nasa loob nito na kailangan pang ilihim nang ganito? There was something about it that felt deeply personal.

Suddenly, I remembered something close to my heart—a gift from Warren when I turned 25. It was a gold necklace with a small key as the pendant. Kung hindi ako nagkakamali, ang pendant na 'yon ay kasya sa kandado nito.

I put the box back and stood up, eager to get the necklace that had been kept inside my cabinet for so long. I don’t know, but something was urging me to open the box. It was as if Warren was waiting for me to figure things out—na ako namang tanga, kinain pa ng apat na taon bago makita ang lockbox na ito.

Hindi ko na nasuot pa ang jacket na pakay ko dahil ang balak ko ngayon ay kunin ang iniregalo niya sa akin noon na necklace.

I stormed out of his unit. With my trembling hand, I held the doorknob to my unit. I took a deep breath before opening the door. I just needed to get that necklace and leave. Hindi ko naman kailangang manatili nang matagal sa loob.

The Red Flag Enjoyer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon