BL-Taglish Romance
Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WIN
Hindi na ako nakapasok pa sa trabaho dahil anong oras na rin ako nagising. Pati si Warren ay nadamay ko na. Napaliban pa tuloy siya dahil sa akin.
"Good morning."
Napalingon ako sa pintuan at doon ko nakita si Warren na nakatayo. He wore an apron, leaning his shoulders against the door frame.
"I made a broth soup to counter your hangover. Tara na," sabi niya sa akin at saka ako nilapitan. "Cry baby, Win," nakangiti niya pang asar sa akin nang makaupo sa gilid ko.
Bumalik na naman tuloy ang mga nangyari kagabi. Parang sinasaksak ang dibdib ko habang inaalala ang anino ni Francis at Rendy sa loob ng kotse.
"Later on, maiisip niya ring mali ang ginawa niya. Hayaan mo siyang patayin ng konsensiya niya. Tara na." Tinulungan niya akong tumayo. Hindi ko talaga gusto ang hangover dahil sobrang kirot sa ulo nito. Nakalimot nga ako kagabi pero ano namang gagawin ko ngayon para makatakas sa reyalidad? Maglaslas?
Nang makaupo sa dining table ay ikinuha ako ni Warren ng broth soup. Inilapag niya ang mangkok sa harap ko at saka niya inokupa ang upuan sa aking gilid.
"BL fans are going crazy. The first episode of Boy Next Door was a hit. Rendy and Francis are making waves online. Mukhang magiging daan 'to ng pagsikat niya," sambit ni Warren sa akin.
"I hope no one spreads our confrontation from last night. It might be the reason his popularity gets affected," usal ko pagkatapos ng isang malalim na buntong-hininga.
"Yayakapin mo pa rin ba ang mga pagkakamali niya kahit sobra na?"
Para akong sinampal ng mga salitang binitawan niya. Mahal ko pa, mahal na mahal.
Napayuko ako. I closed my eyes as tears began to well up. Kaaga-aga ay iiyak na naman ako.
"Prepare yourself, Win. Rendy won't hesitate to choose his career over you. Mas magandang ihanda mo na ang sarili para kapag nangyari na ay hindi ganoon kasakit ang epekto nito sa 'yo."
Tama naman siya. Tanggap ko naman na hindi ako ang end game ni Rendy. Una pa lang, sa dami ng napagdaanan kong pasakit sa kaniya, may mga pagkakataon na sumasagi sa isipan kong hindi kami aabot ng mas marami pang taon dahil mas mahalaga ang career niya kaysa sa akin. Sa tingin ko'y hindi lang ganoon kadaling iproseso ang lahat sa akin ngayon. Kakain ng napakahabang panahon para matanggap ko na unti-unti nang gumuguho ang binuo kong pundasiyon sa relasiyon naming dalawa. Kahit anong ganda at tibay ng pagkakabuo ko, meron at meron pa rin talagang sisira nito.