BL-Taglish Romance
Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WIN
I couldn't help but stare at the front door of Wren's unit as Ren and I passed by. Alam kong nandiyan siya. The moment he disappeared onto the sidewalk of that empty road, I tried looking for him by going back to the La Dolce Di Firenze parking lot, but there wasn't any trace of Warren. Ang sabi ko ay pupuntahan ko agad siya oras na makauwi kami ni Ren pero alam kong aalma si Ren dahil sa nangyaring alitan sa kanila doon sa restaurant. I need to find a way to see Wren and check on him. For now, kailangan na namin maligo at magpatuyo. Mahirap na at baka magkasakit kami ni Ren.
Nang makapasok sa condo unit namin ni Ren ay agad akong nagtungo sa baño. I immediately took a shower. Hindi rin mabura ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang mga sinabi sa akin ni Rendy kanina. He gave me a lot of assurance that I would definitely embrace it for good. Mas lumapad ang ngiti ko nang maaninig ko siya sa labas ng shower area. Ito kasing baño ay nahahati sa dalawang dibisiyon. The first half is where the toilet bowl and vanity mirror are located, while the latter part is for the shower. Since the glass was frosted, I could only see his silhouette through it.
"Here are your clothes," he said before leaving.
It was a simple gesture, but it had a big impact on me.
Hanggang sa mayari ako maligo ay suot ko pa rin ang pinakamatingkad na ngiti sa aking labi. I was drying my hair in front of the mirror, looking at my reflection and smiling as if I'd won a lottery jackpot. Suot ko na ang over-sized shirt na dinala rito ni Ren kanina. This shirt was his. He paired it with pajamas since it's raining outside. The cold weather will surely add to the chill of the AC inside our unit.
Nang makalabas ako sa baño ay nakita kong nakikipag-usap si Ren sa phone niya. He was in the living room, his back facing me. It's not my thing to eavesdrop, but I was on my way to our room when I heard him, which caused me to stop and listen for a moment.
"I'm on my way. Hinatid ko lang talaga si Win, Sir Lex. Don't worry, I'll show up."
So, aalis pa rin pala siya? I should be happy because I will have the chance to see and check on Warren, but I won't deny that I'm feeling jealous. Alam kong si Sir Lex na manager ang kikitain niya. Hindi man ako sigurado pero baka nandoon pa rin si Francis at ang manager din nito.
Bagsak ang mga balikat ay pumasok ako sa kwarto namin. I removed the towel and hung it on a hanger before putting it inside the cabinet. Nang humarap ako sa entrada ng kwarto ay bumungad sa akin ang basang-basa na si Ren.
"I need to head back to the restaurant. I forgot to sign a document," he said to me right away.
"Hindi ka ba muna maliligo? Baka naman magkasakit ka!" sita ko sa kaniya.
"Don't worry. I will have a quick shower. Nagpaalam lang ako sa 'yo," nakangiti niyang sabi sa akin. Dahil doon ay naramdaman ko ang labis na pag-init ng mga pisngi ko. Kinilig naman ang accla!