WIN
Wednesday came blissfully, the day Warren and Pablo were set to go out of town. Sa sabado pa ang balik nila kaya matagal-tagal akong mag-iisa sa unit. No trace of them anywhere, no shoulders to cry on whenever I need to share the heaviness in my heart. May plano rin naman ako ngayong Biyernes at wala pa akong balak na sabihan kay Warren ang tungkol doon dahil alam kong hindi niya ako pahihintulutan. Siguro ay sasabihin ko sa kanila oras na malayo na sila.
Hinintay ko silang lumabas ng unit ni Warren. Gusto ko kasi silang ihatid sa parking lot dahil alam kong mami-miss ko ang presensiya nilang dalawa. Mahaba rin ang apat na araw!
Nang makalabas sila ay sumalubing agad ako ng yakap kay Pablo.
"See you by Saturday," I said when I ended the hug I gave to him.
Happiness was clearly evident in his eyes. Alam ko kasing masaya siya dahil pumayag si Warren na sumama sa lakad nito.
I looked at my best friend and wrapped him in an embrace.
"My phone's always online if you need someone to talk to, okay? Tawag ka lang anytime," he reminded me. Nakakulong pa rin ako sa yakap niya. "Lock the doors. Don't skip meals. Update me every now and then, okay?" he added and kissed the top of my head.
Lumayo ako sa kaniya. I didn't want to look at Pablo because I knew he saw everything. He witnessed how sweet and tender Wren was with me, and it would surely make him jealous. There was nothing I could do about it. Wren is still my best friend, and his gestures are beyond my control now. Hindi ko na maiaalis sa kaniya ang pagiging likas na malambing. Bahala na si Pablo sa selos niya.
"Enjoy the short vacation, love birds. Tawagan niyo ako sa messenger, ah!" I joked and patted their shoulders.
Hinatid ko sila sa parking lot. When they both got into the car, I waved goodbye, and they responded with smiles and nods.
I will miss these guys.
Nang makaalis sila ay bumalik ako sa aking unit. Nahagip ng paningin ko ang aking phone na nasa sofa sa living room kaya naman dinampot ko ito.
Honestly, the night after Adrian's incident, I planned to call Rendy and ask him, but I knew I needed to think ahead. Sinong tanga ang aamin na siya ang may pakana ng lahat ng ito, 'di ba? That time, the surge of my emotions were so strong. Mabuti na lang at nakontrol ko kaya hindi ako naging padalos-dalos. Now that I'm calm and sane, I think this is the best time to call him.
I opened my contacts and searched his name.
Ren ko❤️
Hindi ko pa pala napapalitan ang pangalan niya. Kailangan kong ibahin ito kaya hindi na ako nagdalawang isip na palitan ito ng "Rendy".
May kinalikot lang ako saglit sa phone ko. Screen record. Kung mapapaamin ko siya'y magagamit ko itong ebidensiya laban sa kaniya.
Nang mayari ay tinawagan ko na ito. My heart was racing, and when he answered my call, hearing his voice brought a flood of emotions to my system. Saya, lungkot, panghihinayang at ang pagkapoot. Hindi ko maaaring kalimutan kung bakit ako gumawa ng tawag ngayon. There's one thing I want to clear about.
"Anong kailangan mo, Win?"
Napapikit ako nang mariin. My hands were trembling because of anger. Naalala ko si Adrian. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Patuloy na nagpapagaling sa ospital.
"Alam ko na, Ren, kung ano ang mga pinaggagawa mo. No need to deny everything," sabi ko.
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa marinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Mas lalong nag-alit ang galit sa puso ko.
BINABASA MO ANG
The Red Flag Enjoyer (BL)
RomanceBL-Taglish Romance Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a...
