🚩11: Heart of Riverside Valley

351 14 7
                                        

WIN

The warm, cozy place of Espresso Enclave welcomed me. Hindi ganoon karami ang tao ngayon kahit gabi na. Some were teenagers hanging out with their friends.

Napabuntong-hininga ako nang makita ko si Sir Lex mula sa isang lamesa. He's alone.

Nagtungo ako sa kaniya at bumati. "Good evening, Sir."

Ngumiti siya sa akin. "Have a seat."

Sinunod ko siya. I sat on the chair in front of him. May kung anong kaba sa puso ko, nagdidikta na hindi maganda ang laman ng pag-uusap na ito.

"Kumusta ka naman? Kape ka muna. In-order na kita ng paborito mong frappe," sabi niya at saka iniusog sa akin ang kape na nasa gitna ng mesa.

Alam niya talaga kung ano ang paborito ko. Dahil din naman sa kaniya kung bakit kami pa rin ni Ren ngayon. Kung ibang manager ito ay pinaghiwalay na kami dahil makakasira sa imahe ni Rendy ang pagkakaroon ng parter pero sa kaniya, sinuportahan niya pa kami.

Nagpasalamat ako sa kaniya at saka tinanggap ang frappe na bigay niya.

"I know there's a conflict between you and Ren," he started. Narinig ko pa lang ang pangalan niya ay naluluha na ako.

"Kaya mo pa bang i-handle ang pagiging matigas ng ulo niya, Win?"

Kailan ko ba sinukuan?

"Napapagod man ako, Sir, pero hindi ko kailanman naisip na sumuko sa kaniya," sagot ko.

"I'm sorry, Win." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "I tried talking to Ren but he's just being a stubborn. Sasabihan na kitang ihanda mo ang sarili mo sa mga p'wedeng mangyari sa relasiyon niyong dalawa."

"B-bakit po?" My voice broke. Parang unti-unting gumuguho ang pag-asa sa puso ko.

"Later tonight, Ren and Francis will be guests on a talk show. He told me he has something to announce to the public. He didn't specify what it is, but he told me to let you know that you should watch the show. He said he'll come home after it's over."

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil alam kong uuwi si Ren mamayang gabi o mangangamba sa mga balak niyang gawin. Hindi ko alam kung anong pinaplano niya. Hindi ko pa rin naman siya nakakausap ng maayos simula noong nangyaring insidente noon dahil palagi niya akong iniiwasan. Ni hindi ko rin alam na may guesting pala sila ngayon. Wala siyang update sa mga ganap niya sa buhay at aaminin kong masakit 'yon sa parte ko.

"Thank you for telling me, Sir Lex," sabi ko sa kaniya. "Aalis na po ako."

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi niya. I just stormed out of the coffee shop and let my feet take me somewhere I didn't know.

Napadpad ako sa heart of Riverside Valley, sa plaza. The whole place was decorated with christmas lights. Every plant was properly trimmed, making the whole place neat.

I sat on one of the benches, took out my phone, and looked for that specific talk show online.

"The first episode of Boy Next Door was a hit. How do you feel about the positive reception it's getting from people?" tanong ng host sa kanila. They were sitting on a two seater sofa. Nakapatong pa sa hita ni Francis ang isang kamay ni Ren. It just so painful to watch.

The Red Flag Enjoyer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon