🚩8: Parking Area

318 11 9
                                        

WIN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WIN

In the span of three days, Wren has been the one who has taken care of me. Hindi niya ako pinabayaan kahit na lugmok na lugmok ako sa mga ginawa ni Rendy. After what he did on his Instragram, I didn't receive a single message or call from him. Mas lalo akong napraning dahil doon. If it hadn't been for Warren, who kept me sane, I would have probably lost my mind.

Lunes na ngayon at ngayong araw rin ang uwi ni Ren mula sa shooting nila sa Davao Outland Adventure park. Hindi tuloy ako makapag-focus sa trabaho dahil binabagabag pa rin ako ng mga nangyari.

Hindi na ako umasa na masusundo ako ni Rendy. Sumabay na lang ako kay Calvin dahil sa Skyline din naman siya nakatira.

"Red flag enjoyer ka talaga, 'ne?" sambit ni Calvin sa akin habang nagmamaneho.

"Ganito siguro talaga kapag napamahal ka na nang sobra sa partner mo," sagot ko naman sa kaniya.

"Sus. E, ikaw? Mahal ka ba?" patutsada niya.

Umirap ako sa kaniya. "Hindi kami tatagal ng tatlong taon kung hindi niya ako mahal, Calv." Epal na 'to! Umarangkada na naman ang mga side comments niya!

"Ekis talaga sa akin ang Rendy na 'yon. Mabuti pa ang best friend mo, e. Mahal na mahal ka."

Nahinto ako sa mga sinabi niya. Totoo naman ang mga sinabi niya. Kitang-kita ko kung gaano kaasikaso at kabait si Warren sa akin. Minsan nga ay nahihiya na ako sa pagiging maasikaso niya. Kahit na hindi niya ako priority, patuloy niya pa rin akong pinagsisilbihan, minamahal.

"Loveable naman si Warren, ah? Bakit hindi na lang siya ang mahalin mo, Win?"

"Huwag kang issue, Calv! Magkapatid na ang turingan namin ni Warren sa isa't isa kaya malabong mapunta sa mas malalim ang relasiyon naming dalawa. Hanggang doon lang kami. Huwag kang OA d'yan!" Ganiyan siya. Lagi niya akong pinagtutulakan kay Warren palibhasa saksi sila sa pagmamahal na pinakikita nito sa akin.

Nang makarating kami sa parking space at makapag-park ng sasakyan ni Calvin ay sabay din kaming lumabas. We took the elevator and went to our respective floors. Dahil mas mataas ang palapag ng unit ni Calvin ay mas nauna akong lumisan ng elevator.

"Thanks for the ride, Calvin!" sigaw ko sa kaniya bago magsara ang pinto ng elevator. Tinanguan niya lang ako bilang sagot.

Tinahak ko ang pasilyo patungo sa unit namin ni Ren. Nang makarating doon ay sumilip muna ako sa katabing unit. Wala pa si Warren.

Nang makapasok sa unit ay nagbihis lang ako bago naglinis ng buong bahay. Gusto ko ay malinis na madatnan ni Ren ang condo pag uwi niya. Nagluto na rin ako ng pagkain namin para sa dinner. Nang mayari ay naghain na rin ako sa dining table. When everything settled, I reviewed everything, and that was when a sigh of relief escaped my lips. Sana magustuhan ni Rendy ang mga inihanda ko para sa kaniya. Pinagluto ko siya ng paborito niyang bulalo.

The Red Flag Enjoyer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon