BL-Taglish Romance
Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WIN
"Pa-mysterious effect talaga mga posting mo 'ne, Win" untag sa akin ni Amanda. Nakasilip siya sa division ng workstation ko. Katabi ko lang kasi siya. Aside from Calvin, she's one of my friends. Si Calvin naman ang nasa kabilang side ko. Bale napapagitnaan nila akong dalawa. Matagal ko na silang kasama ni Calvin kaya sila ang pinakamalapit sa akin. Speaking of Calvin, he just invaded my workstation. Nakuha niya pang kumandong sa akin. He even took my hands and wrapped it around his belly.
"Anong akala mo, Calvin, magaan ka?" sita ko sa kaniya. I did my best to push him away from me.
"Iyan siya. Ganyan siya," sabi ni Calvin matapos tumayo at lumayo nang bahagya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, litong-lito sa mga sinabi niya.
"Narinig ko 'yong sinabi ni Amanda. Tado tago kayo sa relasiyon niyo ni Rendy red flag kahit na tatlong taon na kayong mag-on. Nako, Win, you should not settle for less-ouch!" Amanda was quick enough to smack him on the face.
"Nakikialam ka naman sa trip ni Win? Huh? Bumalik ka na nga sa workstation mo!" singhal niya sa lalaki kaya natawa na lang ako.
"Ikaw naman!" nakangusong sabi ni Calvin habang hinihimas ang pisngi niya. "Nautusan lang ako para ipatawag si Win ni Sir Henry sa Designing office para ipaasikaso sa 'yo 'yong bagong design ng back portion ng NEXION X5. Sadista talaga ang kapit-bahay mo, Win," mangiyak-ngiyak na dagdag niya.
"Sige. I'll be there in a minute. Yariin ko lang itong ginagawa ko," sagot ko sa kaniya. Ako kasi ang nakatoka sa pag-aasikaso ng mga mails at transferring ng data sa pinaka-manager namin. Crucial ang trabaho ko kasi confidential. Maling send lang, ligwak ako sa trabaho.
Nakita ko pang itinaas ni Amanda ang kamao niya upang takutin si Calvin kaya agad itong tumayo at saka dali-daling bumalik sa workstation niya.
"Ang cute niyong dalawa," komento ko nang makalayo si Calvin. "Kamusta na ba ang lagay niyo? Wala pa ring label?" As far as I remember, nagkakamabutihan ang dalawa.
Nasamid si Amanda sa mga sinabi ko. "Win, alam mo naman ang sagot ko diyan."
"Pwede ka naman magmahal habang bumabawi sa pamilya mo. Mas maganda pa rin ang may inspirasiyon, Amanda," sambit ko.
"Pamilya muna, Win. Mapagyari ko lang ng college ang bunso kong kapatid, pwede na siguro ako mag-boyfriend. For now, magtiyaga muna siya. Maghintay siya kung kaya niya at kung hindi, then, bye Calvin, maybe," sagot niya sa akin habang may alanganing ngiti sa labi.
Isinara ko ang laptop ko. "Ikaw din. Manghihinayang ka sa mga panahong hindi ka pa nag-take ng risk at sumubok. Baka dumating ang oras na kwestyuhin ni Calv ang worth niya. Mas magandang may assurance siyang pinanghahawakan." Tumayo na ako para sana asikasuhin ang sinabi ni Calvin nang magsalita ulit si Amanda.