Chapter 7: 2nd time around

373 6 0
                                    

Gwen POV

I decided to go muna sa condo ni mikhs kasi wala naman akong gagawin sa bahay at tsaka may gusto din akong sabihin sa kanya. We were in the living room when I decided to speak.

"Mikhs? Kaya ba nating tumugtog?" Buntong hininga kong sabi. Matagal na din kasing hindi ako naka perform sa stage. Kaya may stage fright na ako.

"Come on bro! We can do this! Ikaw pa ba? Ang galing mo kayang magdrum. Idol nga kita eh. Ang cool mo ngang tignan sheeshh" lumapit si mikha sakin at tinapik ang likod ko. Kahit madaldal tong si mikhs eh kung seryosong bagay ang paguusapan ay makikinig at magbibigay din to ng advice.

"Buti at pumayag si colet no?. Hindi din naman niya gusto yung crowded places ah? Buti nalang at naisipan niyang lumabas sa comfort zone niya. These past few days madami ng achivement ang ating angry bird hmm. Bakit kaya? Tulala kaming dalawa ni mikhang nagiisip kung bakit nagbago bigla itong anger namin.

"Pero you know si colet grabe ang anger issues niya no? Buti nalang talaga tayo yung kaibigan niya baka kung sa iba na yun aba'y di ko na talaga alam." Sabi ni mikhs habang nag-ayos.

"Nagsimula talaga yan nung nag part ways sila ni chie eh. Di niya mapatawad sarili niya ng sobra. Ewan ko ba naguguilty din ako eh kung sana di ko pinakilala si chie sakanya. Di ganyan kalala anger issues niya. Hays. Kaya nga mataas yung pasensya ko sakanya eh. Pero minsan maiinis na talaga ako sa inyong dalawa." Seryoso kong sabi.
Tumawa naman si mikha pero alam ko naman na naintindihan niya yung point ko.

"Kaya nga eh. I hope makita na talaga ni colet yung para sakanya. Buti pa ako may crush na" tumawa nanaman siya ulit at inirapan ko nalang. Edi wow?! Lol

"Tapos ka na ba? 12:20 na oh baka nandun na si colet naghihintay magagalit nanaman yum tamo"

"Yuh I'm done, ano akala mo sakin? Slow? Tara na" I nodded at tumayo na din.

Colet POV

Nagising nalang ako sa sobrang ginaw sa cafe. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa table while nagscscroll ng mga possible na totugtugin namin sa intrams. chineck ko ang phone ko at...

"PISKITTTTT HOOO!!!!!" Dali dali akong lumabas sa cafe at nagdrive papuntang school. Buti nalang at malapit lang ito sa school namin. "PISKITT KA TALAGA COLET! NAKATULOG KA NA NAMAN ANO ORAS NA OH 1:20PM NA TALAGA NAMAN" pagkadating ko ay tumakbo nalang ako ng mabilisan papunta sa room. Hingal na hingal na ako at pawis na pawis. Grabe na talaga pagsubok ni Lord sakin. Nonstop. Nasa hallway na ako ng biglang may nabangga ako. Di ko na natulungan kasi nagmamadali talaga ako eh. Nagsabi nalang ako ng sorry tsaka nag speedrun ulit.

"Sa wakas! Ms. Vergara nandito ka na" nakatingin sa akin si Sir. BO I smiled and said "sorry Sir busy lang sa shop" at umupo na sa tabi ni gwen na nakatingin lang sakin at pinipigilan ang kanyang tawa. Ito talaga si sir napaka sarcastic. I wiped my sweat at inayos ang sarili ko. I was about to open my bag when I saw a yellow ribbon na dumikit sa bag ko. Unusual. sino naman ang naglagay nito? Hays baka pinagtripan nanaman ako ni Rence habang tulog. Piskit talaga!

"Uy coquette ka na pala ngayon ah" biro ni gwen

"Tanginamo!" Pabulong ko namang sabi at isinilid ang ribbon sa loob ng aking bag.

Kalahating oras din akong tunganga at sa wakas dismissal na.

"Gwen about sa performance natin sa intrams may naisipan na akong idea. Ikaw? May suggestion ka ba?

"Mikhs told me na maganda raw yung medyo chill lang jamming2 ganun. And I agreed kasi mas better kaysa kakanta pa tayo ng mga complicated eh they gave us a 1 month preparation lang"

"Oo nga ayaw ko yung maraming pasikot sikot. Yan din yung idea ko eh! Kaya gusto ko kayong kasama! Magkahumor talaga tayong tatlo!" I smiled.

"At tsaka mikhs told me na sa music room tayo magpractice since wala tayong maistorbo dun." Wika ni gwen.

I nodded and smiled at her. I was so happy na tinanggap ni gwen ang offer ko. Akala ko talaga ayaw niya eh. Ayaw ko din naman sana kasi apaka crowded ng mga ganyan. Pero wala namang mawawala kung magtry diba? Ewan ko bai piskit!

Maloi POV

Ewan ko ba kung malas lang talaga ako or hindi ako favorite ni Lord. I was just happily reading my book sa room ko when someone called me. I immediately pick up my phone and sinagot ang tawag.

"Hello? Goodafternoon! Si Ms. Ricalde po ba to?" Teka familar yung voice niya ah pero yung contact niya hindi nakasave sa phone ko.

"Opo. Sino po sila?" I politely ask

"Shopee po to ma'am 12,876pesos po COD" huh? Shopee? Wala naman akong inorder ah? At ang mahal 12k?!?!

"Huh? 12k?! Nangtritrip kaba ha?! Sino ka ba?!" Natrigger inner demons ko teh grabe naman sa 12k!

"BWHAHAHAHAHAHAHAHAH 🦅🦅🦅 ano kaba teh!! Joke lang!! Ako to si pretty shee!! Need ka namin dito hoy president kapa naman sa whole batch natin!" Tawa nitong sabi and I felt my body boiling.

"SHEENAA CATACUTAANN!!! YOU'RE MAKING ME MAD!!"

"MALOI RICALDE!! NEED KA NAMIN DITOO ASAP!!! BYE KUNG AYAW MONG PUMUNTA DI NA KITA FRIEND *end call*" sinigawan ba naman ako pabalik hays

Wala naman akong choice dahil ako nga ang president sa whole batch namin kaya nagdali dali na akong nagayos at pumunta sa school. Nasa hallway ako ng biglang may nag hit and run sakin. Nabangga ako tas hindi naman nagsorry diba? hit and run? I was too stunned to speak sa nangyari at binalewala lang yun. Pumasok na ako sa room namin at bumangad kaagad si sheena.

"Beh alam mo ba si Mrs. Hogh nagoa emergeny meeting sating mga officers at hinahanap ka niya. Sabi ko pa naman na nagreredt ka pero teh ayaw niya talaga jusko at tsaka mamayang 5:30pm pa yung meeting yan lang daw yung vacant ni ma'am!" inis niyang sabi habang nagsusuklay ng buhok

"Abay bakit naman? Ano ba meron ineng bakit ayaw niya maniwala sakin? Grabe hindi ka naman nagsabi na 5:30pm pa yung meeting nagmadali naman akong pumunta dito" Tawa ko namang sabi.

"Sorry teh miss na kasi kita. Anw yung meeting for the upcoming intrams daw yun ewan ko ba ang early ng meeting eh sa september pa yun"

"Baka meron nanamang booths beh kalma ka nga" Habang inaayos ko ang sarili ko ay namalayan ko na nawawala pala yung ribbon na dinala ko. Fav ko pa naman yun. Che! Feeling ko ang malas ko ngayong araw.

"Shee have u seen my yellow ribbon? ang malas ko talaga today nakakaiyak na" Kaba kong sabi

"Ay teh lucky nickname mo pero unlucky ka. Hindi ah wala kanang ribbong dala pagdating mo"

"Tulungan mo akong maghanap pleaseeee" tinulungan talaga niya akong maghanap umabot na kami sa hallway pero no sign of my ribbon kaya nagdecide na kaming huminto.

"Wala talaga te eh baka nahulog yun sa bahay niyo" I just nodded at sakto 5:25pm na kaya bumalik na kami sa room para sa meeting with Mrs.Hogh.

Risky Romance (Macolet)Where stories live. Discover now