Chapter 16: Museum

206 6 1
                                    

Maloi POV

Buti nalang at natapos na akong mag-ayos nang nagchat si colet na nandyan nadaw siya sa labas ng gate. Agad-agad naman akong bumaba at nagpaalam kina mommy. Paglabas ko ay binati niya kaagad ako at inabutan ng flowers.

"Wow!! Thankyouu cole! Ang ganda neto" I smiled

"You're welcome Loi!"

Kahit talaga nagdadrive tong si Colet eh tumitingin pa din siya sakin pag nagsasalita siya.

"Bakit ka may pa flowers muna? Crush moko no?" Biro kong sabi

"Huh? Assumera ka talaga, wala lang Loi ano may nadaanan kasi akong flower shop tapos naalala ko na mahilig ka sa yellow kaya yun binilhan kita hehe sana nagustuhan mo"

"Honestly cole I don't like it..."

"Ayy" I looked at her at umilag siya sa tingin ko, naiiyak na siya sa sinabi ko I laughed at binawi kaagad baka kasi palalabasin ako sa sasakyan niya at iiwan ako dito sa gilid

"Kasi I love it eto naman wag kang umiyak hoy" hinampas ko siya para malaman niyang nagjojoke lang talaga ako

"Aray Loi! Anong iyak!? Bakit naman ako iiyak no!" dipensa niya sakin

"Ah sinisigawan mo na ako ngayon? Duty ba si anger ha?!" I raised my eyebrows at her and it made her scared yung parang tuta na pinapagalitan HAHAHA

"Sorry boss! Nadala lang hehe sensya na po"

"Ewan ko sayo! Stop the car!"

"Ano Loi?"

"Di mo ba ako narinig?! I said stop the car now!!"

Our car speed went 20 nalang potek sineryeso niya talagang istop ang car?? Ang masunurin naman nitong batang to ano ba kinain neto ngayon

"Hoy HAHAHAHAHAHAHAH jokee langg! Ginaya ko lang yung nasa movies eh yung kapag nagaaway yung mag jowa tapos mag sstop the car yung babae" muntik na akong maiyak sa kakatawa ko kay colet

"Sorry Loi akala ko talaga ayaw mo na sakin" she said it with a sad tone

Hindi siya nagalit? Akala ko magagalit siya pero instea nagsorry siya.

"Hoy hindi no ano kaba! Akala ko nga magagalit ka saken eh"

"Why would I? Wala naman dapat ikagalit nun" she replied

"Chee! Anyways malapit na tayo ah baka lalagpas tayo"

"Yes boss!" She smirked and I just rolled my eyes and I went to check my phone na rin.

Colet POV

Hindi ko talaga bet masyado ang mag boutique eh pero for Maloi? Why not! We were just strolling at mabuti nalang may nahanap na rin siya. It was a two ribbon keychain specifically green at yellow. Lumipas ang ilang oras ay nagbayad na siya sa cashier and I asked her kung na ba siyang ibang gagawin after dun.

"Loi? Wala ka na bang ibang lakad ngayon?"

"Hmm wala naman bakit?"

"Lika ano punta tayo sa museum nabalitaan ko kasing may art fair dun, G kaba? malapit rin naman yung museum dito"

I saw her eyes widen. Is she into paintings ba?

"Omg?! G akoo!! Wala naman din akong gawin ngayon. At dahil friend na kita may fun fact ako sayo. Alam mo ba na nagpapaint ako? And hoy nung may booths sa school tapos sinabihan ka ni shee na magnanakaw? Isa ako sa nagpaint ng mga paintings dun!"

What?! Hindi ako makapaniwala na siya pala ang nagpaint ng mga yun. Ang sinabi lang kasi ni shee sakin ay siya yung babaeng hindi ko pinansin. Piskit!

"Kaya pala ang gaganda eh kasi maganda din yung nagpaint" I smirked at her and it made her blush. Nice one Colet!

"Pereng sere eme bolera!" Hinampas nanaman niya ako pero Maloi na yan eh kahit pa bugbog na ako papahampas pa rin ako eh

"Totoo Loi naamazed ako sayo. Naamaze na nga ako nung sumayaw ka nung intramurals natin eh, new member ka ba ng dancetroupe?" I asked dahil bago ko pa siyang nakita sa grupo nila shee.

"Ayy oo bago pa for fun lang din yun si shee talaga nag encourage sakin eh"

I nodded in response at dumating na din kami. At dala dala pa rin niya yung flowers na ibinili ko para sa kanya.

Hahays ang gaganda ng mga paintings sa loob ng museum and Maloi was so amazed, wala talagang painting ang pinalagpas detail by detail ay hindi talaga niya pinalagpas, kakatingin namin ay nakakita kami ng painting ng garden at wow ha sunflower garden din. I called Maloi para picturan ko siya dun sa painting, she agreed naman.

"Ang ganda mo, Loi" I said when I snapped her photos. Her smile widen na parang abot tenga na.

"Patingin" she said while trying to snatch my phone.

"Yoko, kiss muna" I jokingly said

"San ba?" I frozed is she serious? Oh nagbibiro nanaman to?

She snapped her fingers and said "san ba? San ba yung pake ko kung hindi mo ipapakita sakin?" She raised her eyebrows once again "emee"

Bumuntong hininga ako piskit! Grabe na talaga to si Maloi mambiro ha? Hindi ko inexpect na ganito pala ang kanyang humor. Hays never back down never what? Never give up!

We were just having fun when my phone rang. I excused myself at sinagot ko.

"Bro? Nasan ka?" It was Mikha with a sad voice.

"Nandito sa museum, bakit may kailangan ka ba? Okay ka lang?"

"May problema ako. Can we meet sa bar mamaya? Sinabihan ko na rin si Gwen" uy may pa bar si gago haha baka nag LQ sila ni Aiah ah.

"Gege I'll be there"

I hanged up at bumalik kay maloi. Nothing's new tumitingin pa rin siya ng mga paintings.

"Loi?" At lumapit ako sa kanya

"Cole?"

"Sorry to interrupt you pero tumawag kasi si Mikha eh sabi niya may prob daw siya. I'm worried Loi."

Before she could respond ay tumunog din phone niya. She excuse herself at naiwan ako. Hindi din nagtagal ay bumalik din siya kaagad.

"Cole ate Aiah just called me din she was pissed daw, she needs me daw"

We just starred at each other and matic alam na namin kung ano ang nangyari. Napagisipan ko nang ihatid si Maloi para makapunta na din siya kina Aiah.

"Cole thankyou sa pagsama sakin ah? And thankyou din kasi pumunta tayo sa museum hehe my heart is so happy. And also for the flowers din I appreciate it a lot." She hugs me and pat my back. Piskit mahal na talaga kita, Loi.

"You're welcome Loi" I hug her back and piskit ang bango talaga niya. "It was fun being with you, Loi." Bumitaw na kami sa yakap kasi tumunog nanaman ang phone ko. Piskit si mikha nanaman! Nakaka sira ng moment talaga! Hays!  We bid goodbyes to each other at dumeretso na agad ako sa bar. Maliban sa cafè ay tambayan din namin nina Mikha ang bar. Dun kasi namin mabubuhos lahat ng emotion namin eh. Nakapasok kaagad ako kasi may VIP card kami. Wala panamang masyadong tao kaya nakita ko kaagad si Mikha na nageemote. Yan pag-ibig pa!

Risky Romance (Macolet)Where stories live. Discover now