Chapter 13: Sponty

190 6 0
                                    

Colet POV

Nandito na ako sa labas ng gate kina Maloi it was already 8:30PM dahil inadjust niya ang time kasi may ginawa daw siyang project. And their gate opened up. I saw her she's wearing a yellow shirt and black pajamas. Nagslowmo ang buong paligid at tumugtog ang tadhana by Up Dharma Down sa aking isipan. She's walking towards me, damn ang ganda mo loi.

"hi" she said.

I cleared my throat "hello,  I like your outfit loi, bagay sayo" I smiled

"Uy ang cute mo pala pag nakasmile no?
Dapat si Joy palaging nag ooperate sa mind mo eh hindi si anger charot" sabay hampas sakin. Sige lang ikaw yan loi eh

"at hoy nag tshirt nga lang ako mag iice-cream lang naman tayo pero thanks sa compliment" dadag niya sabay tawa

"Ah ganun ba? Sige wag na lang last na yun gagi" Taas kilay kong sabi.

"Oh joke lang gagalit kaagad eh, tara na nga"

I nodded in response at pinagbuksan ko siya ng pinto sa car ko.

"Thankyou col"

"You're welcome Loi" at pumasok narin ako at nagdrive. We were silent when she suddenly speak

"OMGG?!?! san galing to?!" Sabi niya sakin sabay tingin

"Oh bat parang gulat na gulat ka? Nasabit lang yan sa bag ko no nung may nabangga ako sa hallway kakamadali ko"

"SHUCKS!! Ikaw pala yon!!" At hinampas hampas niya ako

"Arayy koo namann!! nagmamadali talaga ako nung time na yon" dipensa ko

"Chee!! Alam mo bang sad ako the whole day kasi nawawala yung fav ribbon ko? I even bothered shee para tulungan ako!" Asar na asar siya. I can feel it.

Bakit ganito? Hindi pa naman kami ganun ka tagal naging magkaibigan pero bakit ang gaan ng loob ko sa kanya? May somehing sa akin na gustong lumabas pero hindi ko alam. Hays

"Oh tapos hindi ka na magsasalita ha?! Wala man lang sorry! Hoy Colet!" Hinampas niya ako ng malakas sa braso ko at napa ilag ako

"Loi hinay hinay lang baka mabangga tayo oh, sorry na po bumabawi na ako sayo ngayon hehe"

"Sorry col nadala lang talaga ako huhuhu sorry, sorry din sa hampas" she smiled "sayo nalang yan baka tadhana talaga yang maging sayo" dagdag niya

"Sana nga" bulong ko sa sarili ko

"Ano? May sinasabi ka?"

"Ahh wala, sabi ko nasa backseat din yung bag mo naiwan mo kasi sa amin yan eh"

"Ayy oo nga pala! Thankyou col! Akala ko nawawala na talag yung bag ko and anw thankyou pala sa paghatid sakin"

"Anytime, loi" I smiled at her

"Cute" sabi niya at nagsmile din

Few minutes later ay dumating na din kami sa plaza. May foodfair kasi dito at for sure magugustuhan niya ang ambiance dito kasi malapit lang din ito sa dagat.

"We're here loi"

Maloi POV

I was fascinated sa plaza. Ang ganda ng ambiance kahit medyo marami ang tao. At ang bango din ng mga pagkain kasabay ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Hindi kasi ako palaging nakakapunta dito kasi after school ay rekta bahay lang ako.

Risky Romance (Macolet)Where stories live. Discover now