SUITOR

599 13 0
                                    

Wala na ang bakas ni Rex, Kyline at ng kaniyang asawa ng nagising si Gabriela ng hapon. Wala siyang gana dahil sa mga nangyari ngunit seryosong siya na wala na itong balak sa ngayon na papasukin pa sa kaniyang Apartment ang mga ito.

Kumilos na muna siya dahil balak niyang palitan ng mga seradura at lock ang lahat ng pinto niya lalo na ang Main door niya dahil may access ang kaibigan niyang si Rex.

Palabas na siya ng Apartment niya ng may masipa si Gabriela at muntik pa siyang matalisod.

Pagbaba niya ng kaniyang tingin ay mayroong Basket ng mga bulakslak sa harap ng kaniyang pinto.

Napangiti siya dahil ito ang unang beses na makatanggap siya ng ganito at pakiramdam niya ay mahalaga siya.

Umupo siya at inamoy ang mga ito, muli na naman siyang napangiti dahil biglang gumaan ang kaniyang nadarama.

Pinasok na muna niya ito at nilagay sa isang Flower Vase, nilagyan niya rin ito ng tubig.

Napansin niya ang isang maliit na card sa ibabaw ng mga bulaklak at binasa niya ito.

Wifey,

Hoping that this flowers would feel you better.

I'm sorry.

P.S.

I love you more than you'll ever know

- Hubby

Napahinga ng malalim si Gabriela sa nabasa ngunit aminado din naman siya na gumaan ang bigat sa puso niya ng makita ang mga bulaklak.

Umalis na siya at bumili na ng mga kailangan niya dahil wala na rin siyang stocks.

Bultuhan kung bumili si Gabriela ng mga stocks niya dahil madalas ay naroon sa kaniyang Apartment ang mga Kaibigan niya.

Naging hilig na rin ng Babae ang pagluluto hanggang sa nakasanayan na niya na ito lalo na kung may mga handaan.

At dahil nga bultuhan siya mamili ay heto na naman ang struggle niya sa pagkuha at pagbuhat lalo at Self service pa naman doon.

Sakto na nasa ere na ang kaniyang inaabot ay may kamay na umabot kaya naman napalingon ang Babae.

"Thank you!"
Ngiti ni Gabriela at napasimangot ng nakilala niya na ang Asawa niya pala ito.

"No worries wifey! Ano pa ang mga bibilihin mo?"
Masiglang wika ni Genesis.

"I can manage."
Irap ni Gabriela.

"Sige na. Ako na ang bahala kasi masarap na Dinner lamang naman ang kapalit."
Kindat ni Genesis.

"Kapal!"
Irap muli ni Gabriela.

Napahalakhak na lamang si Genesis sa pag irap ng kaniyang Asawa at tinulak na ang Wheelcart.

Hindi na nag inarte pa si Gabriela dahil mabibigat naman talaga ang kaniyang mga bibilihin.

Nauuna sa paglakad ang Asawa nito na si Genesis at nakaramdam ng lungkot dahil kung titingnan sila ay para bang normal na mag-asawa lamang sila.

Baka fitted na damit si Genesis at itim na Jogging pants. Kaya litaw na litaw ang mas maganda na ngayong Katawan nito.

Natapos na ni Gabriela ang pamimili at napalingon siya ng may tinuro si  Genesis sa gilid niya.

"What? Hindi kita gets."
Nagtataka na wika ni Gabriela.

Hindi na lamang inintindi nito ang sinasabi ni Genesis at tinanong na ang kahera sa Bill niya.

"How much, Ma'am?"
Magalang na tanong ni Gabriela sa cashier.

"It's all good."
Ngiti ng Cashier.

"How? My card is still here."
Takang tugon ni Gabriela.

"Your husband already swipe his Card."
Ngiti ng Cashier.

Napalingon naman si Gabriela sa Asawa niya at umingos. Ngayon niya na gets kung bakit may tinuturo sa gilid niya ito para ma swipe ang Card nito.

"Hindi mo kailangan gawin iyon at huwag mo ng uulitin pa."
Matigas na wika ni Gabriela.

"I'm sorry. Gusto ko lamang bumawi sa mga sinayang kong pagkakataon."
Ngiti ni Genesis.

"Kaya ko ang sarili kaya hindi mo ako obligasyon."
Wika ni Gabriela habang inaayos ang mga pinamili sa Compartment ng Kotse nito.

"You never fail to amaze me, wifey. Pero parang ang layo mo na. "
Wika ni Genesis sa Asawa na si Gabriela.

Napahinto si Gabriela sa pag ayos ng mga pinili at ngumiti ng mapait.

"Yeah."
Mahina na bulong ni Gabriela at tumango tango.

"Can I ask something?"
Tanong ni Genesis.

"C'mon, Genesis. Naninibago ako saiyo ah? Never mo ako tinatatanong before."
Iling ni Gabriela.

"Pwede ba akong manligaw?"
Nahihiyang tanong ni Genesis sa Asawa.

Napaharap naman bigla si Gabriela sa Asawa nito.

"No."
Tutol ni Gabriela.

"Please?Just let me do this because I wanna show you how much I love you. Hindi ko nagawa saiyo ito noon kaya let me do this, please?"
Pakiusap ni Genesis at lumuhod sa harap ni Gabriela.

"Tumayo ka nga diyan!"
Wika ni Gabriela at pilit na hinihila patayo ang Asawa.

"Pumayag ka muna na ligawan kita."
Hiling ni Genesis.

Napalingon naman si Gabriela dahil sa palakpak na narinig. Ang dami na palang tao at ang akala siguro ng mga ito ay nag po-propose si Genesis.

"Oo na! Tumayo ka na."
Hila ni Gabriela sa Asawa upang tumayo na ito.

Nagsigawan naman ang tao at muling nagpalakpakan.

"Walang bawian, Wifey."
Ngiti ni Genesis at niyakap ang Asawa.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now