JUST MARRIED

745 9 0
                                    

Sa sobrang bilis ng mga nangyari ay namalayan na lamang ni Gabriela na Kasal na sila ni Genesis. Si Attorney Lopez lamang ang kanilang Witness wala ng iba. Ngayong kasal na sila ay alam ni Gabriela na mas lalong gugulo ang kanilang mga buhay.

Nauna ng umalis sa City Hall si Genesis at Attorney Lopez matapos silang ikasal.

Kaya naman umuwi na rin mag-isa si Gabriela, ang masakit pa ay wala siyang dalang Kotse dahil nakisabay lamang siya kay Genesis papunta.

Bumuhos din ang ulan na para bang naki dalamhati kay Gabriela.

Nahirapan makasakay ang Dalaga ng Taxi kaya naman napilitan na lamang ito na mag Jeep na lamang.

Nang makarating ang Dalaga sa Mansion ay bigla nitong naalala ang sulat na inabot sakaniya ni Attorney Lopez.

Binilin nito na sa oras na mabasa na niya ang sulat na galing kay Javier ay puntahan niya ito sa Office nito.

Dearest Gab,

By the time na mabasa mo ito ay for sure Kasal na kayo ni Genesis, Congratulation!

Thank you sa mga sandali na nakasama at nakilala kita, walang katumbas na kahit ano ang pagdating mo sa Buhay naming magkapatid.

At the same time alam ko na baka may galit ka sakin dahil sa aking Last Will and Testament.

I'm sorry kung hindi ko sinabi saiyo na madalas na akong atakehin ng sakit ko, pagod na kasi ako umasa na gagaling ako.

Ingatan mo ang lahat ng mga iniwan ko na para saiyo at higit sa lahat balang araw alam ko na tama ang mga naging Desisyon ko para sainyo.

Ikaw na ang bahala sa Kapatid ko, Gab.

Ipangako mo saakin na hindi mo siya susukuan.

I love you sis!

Love,
Jav

Hindi na tumigil ang pagtulo ng mga luha ni Gabriela hanggang sa naging hagulgol ito.

"Stop pretending! Desperada!"
Galit na sigaw ni Genesis na nasa likod na pala ni Gabriela.

Lalo namang humagulgol si Gabriela sa narinig habang nakasalampak sa sahig.

"Matagal mo na palang alam ang sakit ni Kuya and yet you didn't tell me!"
Sigaw ni Genesis.

"Dahil ayaw niya!"
Basag na boses ni Gabriela.

"Ang sabihin mo atat kang makuha ang lahat ng mga pinamana niya saiyo! Ginamit mo ang Kuya at inabuso ang kabutihan niya!"
Galit pa rin na sigaw ni Genesis.

"Hindi totoo yan! Totoo ang lahat ng pinakita ko sa Kuya mo, Genesis!
Siya ang ayaw na ipaalam saiyo dahil alam niya na hindi mo kakayanin ang taning sakaniya ng Doktor."
Paliwanag ni Gabriela.

"Gold digger ka talaga! Sayang pa ang mga araw na sinulit sana namin kung hindi mo lang inilihim saakin. Pucha naman, Gab! Kuya ko iyon at sampid ka lamang dito."
Maanghang na wika ni Genesis.

"Huwag kang mag-alala, wala akong gagalawin diyan sa mga iniwan ng Kuya mo. Saiyo lamang dapat talaga iyan."
Mahinang sagot ni Gabriela.

"Ipapa train kita sa Secretary ko, aralin mo lahat ng Negosyo."
Utos ni Genesis.

"Ayaw ko."
Simpleng tugon ni Gabriela.

"Tingnan natin ang tigas mo. Kailangan mong matuto para hindi ka naman patabaing baboy dito."
Sarkastiko na wika ni Genesis.

"Wow just wow. Thank you for your Wedding gift ha? Thank you."
Sarkastiko din na sagot ni Gabriela.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now