KYLINE'S CONFESSION

449 6 0
                                    

Maagang nagising si Gabriela kahit na wala siyang pasok ngayon dahil nais niyang mag work out. Palabas na sana ito ng pinto ng magulat siya na andon si Kyline at Rex na akmang mag do-doorbell na sana.

"Can we talk?"
Mahinhin na tanong ni Kyline.

"I'll go to Gym."
Simpleng wika ni Gabriela.

"Please naman Gab."
Pakiusap ni Rex.

"Huwag mo akong ma-please please diyan Rex."
Irap ni Gabriela.

"Please?"
Makaawa ni Kyline.

Naawa naman si Gabriela kay Kyline kaya kahit ayaw niyang makausap sana ang mga ito ay pinatuloy na lamang niya.

"Genesis needs you right now."
Simula ni Kyline.

"Oh really?"
Sarcastic na wika ni Gabriela.

"Totoo iyon. May depression si Genesis dahil sa pagkawala ni Kuya Javier at mas lalo itong lumala ng malugi ang lahat ng Business na iniwan sainyo ni Kuya Javier."
Malungkot na pahayag ni Kyline.

Nakaramdam ng galit si Gabriela ng marinig na napunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ni Javier.

"Teka nga. Bakit mo siya iniwan kung ganoon na pala ang nangyayari? Mas ikaw ang kailangan niya dahil nakikinig siya saiyo."
Kalmado na wika ni Gabriela.

"That was before, Gab. Noong una ay nakikinig pa siya saakin ngunit mula ng iwan mo siya ay lalong nawala ang direksyon niya sa Buhay."
Walang emosyon na wika paliwanag ni Kyline.

"Bakit nalugi ang lahat ng Negosyo?
Bakit niya hinayaan na malugi ito?"
Malamig na tanong ni Gabriela.

"Nagtiwala siya sa mga maling tao hanggang sa hindi niya namamalayan unti unti na siyang ninanakawan ng mga pinagkatiwalaan niya."
Malungkot na wika ni Kyline.

"So ano ito ako ang fall back niya kaya siya andito? Nawawala na ang lahat sakaniya kaya ako naman ang guguluhin niya?"
Galit ba wika ni Gabriela.

"Hinayaan ko siya na pumunta dito kahit alam ko na ikakagalit mo ito pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala, wala na talaga kundi ang sumugal na baka kapag makita at makasama ka niya ay magkaroon siya ng dahilan na lumaban at bumangon ulit."
Pahayag ni Kyline.

"Bakit ba pinipilit mo na ako ang magiging dahilan para lumaban at bumangon siya? Diba dapat ang isipin niya ay ang pagod at hirap ng Kuya Javier niya lumago lamang ang mga Negosyo niya at gumanda ang Buhay niya?"
Matapang na pahayag ni Gabriela.

"Dahil mahina si Genesis! Mahina siya sa lahat ng bagay! Noon pa man ay mahina na siya, matapang at malakas ang panlabas niya dahil sa likod nun ay ang mahina at iyakin na Genesis. At ang tanging lakas niya ay si Kuya Javier kaya nga siya nagalit saiyo nung nilihim mo ang lahat, Gabriela."
Matapang din na paliwanag ni Kyline.

"Sige nga sabihin mo saakin Kyline!
Anong kinalaman ko sa lahat ng nangyayari ngayon kay Genesis? Dahil hindi ko maintindihan eh. Dahil sa totoo lang gulong gulo na ang isip ko."
Mahina na pahayag Gabriela.

"Isang araw nakita at nabasa ni Kuya Javier ang lahat ng Diaries ni Genesis kaya kinausap niya ako tungkol doon noong araw na iyon. Sinabi ko ang lahat kay Kuya Javier kaya nga kahit kami na ni Rex ay hindi ako tumitigil sa pagsuporta kay Genesis. Matagal ng walang kami ni Genesis pero hindi ko siya iniwan dahil Kapatid na naging turing ko sakanila ni Kuya Javier."
Paliwanag pa rin ni Kyline.

Nakikinig lamang si Gabriela at pinipilit na ipasok sa utak niya lahat ng sinasabi ni Kyline.

"Noong sinabi saakin ni Javier na nakilala ka niya at nakilala kita sa mga Kwento ni Genesis doon pa lamang ay sinabi ko na sarili ko na may gusto saiyo si Genesis dahil nagagawa mo na guluhin ang isip at puso niya. Hanggang sa isang araw ay hindi ka na natanggal ni Genesis sa Sistema niya."
Dagdag pa ni Kyline.

"Inuutusan mo ba ako na balikan ko si Genesis?"
Tanong ni Gabriela.

"Hindi. Hindi ko gagawin iyon dahil kahit kailan ay hindi maari na turuan at diktahan ang puso. Naalala mo ba ang iniwan na Last Will and Testament ni Kuya Javier? Kasama ka sa lahat dahil alam niya na kakayanin mo si Genesis."
Pahayag ni Kyline.

"Kaya pala ganoon na lamang ang iniwan na sulat saakin ni Javier."
Tango ni Gabriela dahil unti unti niyang naintindihan ang lahat.

"And now it's up to you Gabriela.
Dahil ikaw na lamang ang hinugutan ng lakas ni Genesis, ang Asawa mo."
Payo ni Kyline.


POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now