FIX YOURSELF

526 10 2
                                    

Walang balak na pumasok ngayon si Gabriela sa Opisina nila dahil nais niyang makausap ang Asawa na si Genesis. Alang-alang sa kabutihan ni Javier sakaniya at sa kaunting pagmamahal na mayroong pa siya sa Asawa niyang si Genesis.

Hindi siya nagkamali dahil ng buksan niya ang pinto ng kaniyang Apartment ay sakto naman na nilalapag ni Genesis ang isang Basket ng Roses sa baba ng kaniyang Pinto.

"Good morning! Hindi ka papasok?
May masakit ba saiyo?"
Bati ni Genesis.

"Ikaw ba Genesis? Ayos ka lamang ba?"
Tanong ni Gabriela.

"Oo naman lalo at nakita kita."
Matamis na ngiti ni Genesis.

"Halika pasok ka na muna. Kumain ka na ba?"
Wika ni Gabriela.

"Hmmn. I know something is wrong."
Naging mailap ang mga mata ni Genesis.

"Calm down, Genesis."
Wika ni Gabriela.

Hindi na kumibo si Genesis at umupo na lamang ito sa Salas.

"How's your life sa Pinas?"
Simula ni Gabriela at tumabi kay Genesis.

"Pretty good."
Tugon ni Genesis.

"Kamusta ang mga Negosyo natin?"
Tanong ni Gabriela.

Naging maingat si Gabriela sa bawat salita na kaniyang binibitawan dahil ayaw niya na mailang ang Asawa sakaniya.

"Actually it's not good."
Pag amin ni Genesis.

Nagulat si Gabriela dahil hindi niya akalain na alamin ito.

"What happened?"
Marahang tanong ni Gabriela.

"Palugi ng palugi eh. Lumipad ako dito para sana makita ka lamang at magkaroon ng lakas pero ang hirap mo palang iwan."
Nakapikit na wika ni Genesis habang nakasandal sa Sofa ni Gabriela.

"Paano at bakit nalugi?"
Mahinang tanong ni Gabriela.

"Nagtiwala ako sa mga abusado at sakin kaya ngayon pilit kong binabangon ang lahat ng Negosyo."
Nakapikit pa din na wika ni Genesis.

"Pati ba ang mga nakapangalan saakin na Negosyo?"
Marahan na tanong ni Gabriela.

"Of course not. Never ko pinakialamanan ang saiyo kahit na lugmok na ako."
Ngiti ni Genesis.

"Bakit? Pwede mo namang ibenta ang mga iyon para nagsimula ulit."
Ngiti ni Gabriela.

"Hindi ko ginawa kahit pwede naman. You know why?"
Tanong ni Genesis.

"Why?"
Ganting tanong ni Gabriela.

"Kasi iyon na lamang ang natitirang ala-ala mo saakin pati ang Kotse mo."
Malungkot na wika ni Genesis.

"Hindi ko akalain na darating tayo sa ganito punto sa Buhay natin, Genesis.
Kasi ang pangarap ko lamang naman noon ay mahalin at tanggapin ng buo sa kabila ng nakaraan ko."
Ngiti ni Gabriela habang inaalala ang Kolehiyala na siya noon.

"I'm here para makabawi at pagsisihan ang lahat ng kasamaan na ginawa ko saiyo."
Emosyonal na wika ni Genesis.

"And i feel sorry that I can't forgive for now, Genesis. Masyadong mabigat at masakit ang lahat ng ginawa mo saakin noon. Niruyakan mo ang pagkatao ko ng dahil lamang sa isang Trabaho na hindi ko naman ginusto pero ginawa ko para makapag aral at mabuhay."
Basag na boses ni Gabriela.

"So I guess this is the end of us?"
Alanganin na tanong ni Genesis dahil sa mga sinabi ng Asawa.

"I really don't know right now, Genesis.
Hindi mo alam kung paano ko binuo muli ang sarili ko, hindi mo alam kung paano ko pilit na kinaya na iwan ka kahit mahal na mahal kita dahil hindi na tama ang trato mo saakin noon."
Hagulgol ni Gabriela.

Gustuhin man ni Genesis na aluin at yakapin ang Asawa sa pag hagulgol nito ngunit para siyang nanigas sa kinauupuan.

"I'm sorry, wife."
Emosyonal na wika ni Genesis.

"Sorry is not enough, Genesis. Kulang na kulang pa sa lahat ng sakit na dinulot mo saakin. Tanging si Rex lamang ang sumalo at inalalayan ako kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ako naging ganito."
Hagulgol pa rin ni Gabriela.

"Handa akong gawin ang lahat ng nais mo upang makabawi ako sa lahat ng ginawa ko."
Pangako ni Genesis.

"Are you sure?"
Singhot ni Gabriela habang umiiyak pa rin.

"Yeah. I promise."
Assurance ni Genesis.

"Then leave. Fix yourself first Genesis, please? Go back there in the Philippines. Fix everything. Huwag mo sayangin ang naipundar ng Kuya mo."
Seryoso na pakiusap ni Gabriela habang sumisinghot sa pag-iyak.

"Ang hirap man ng hiling mo ngunit gagawin ko. Kapag ginawa ko ba ang gusto mo babalik ka na saakin?"
Naiiyak na tanong ni Genesis.

"I don't know. Maybe? Just fix yourself first then we'll see what happens."
Hiling ni Gabriela.

"Can I ask something for the last time?"
Pakiusap ni Genesis.

Tumango si Gabriela kaya naman mabilis na niyakap ng mahigpit ni Genesis ang Asawa.

"Goodbye for now and I'll see you very soon."
Bulong ni Genesis at hinalikan sa labi ang Asawa bago tumalikod at lumabas ng Apartment ni Gabriela.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now