Dalawang araw na ang nakalipas mula ng nakauwi si Gabriela galing Ospital at nalaman lahat ng Asawa nito nasi Genesis ang mga nangyari. Ayun, sa huli ang Babae pa rin ang sinisisi nito kahit na nga muntik pa maoperahan ito.
Nais sana muna magpahinga ni Gabriela dahil pakiramdam niya ay bugbog pa ang kaniyang Katawan.
Ngunit bigla namang dumating sa loob ng kaniyang Hospital Room ang Asawa at walang ekspresyon ang mukha nito.
"Kailan ka makakalabas?"
Blanko na mukha ni Genesis."Hindi ko pa alam, Why?"
Mahinang tugon ni Gabriela."Ang laki na ng Bill mo dito at marami na rin ang naabala na Negosyo dahil sa wala ka."
Matigas na wika ni Genesis.Napahinga ng malalim ang Babae dahil ni hindi man lang kinamusta ng Asawa niya ang kaniyang nararamdaman.
"No worries, mamaya din ay makakalabas na ako."
Tugon na lamang ni Gabriela kahit sinabi na ng Doktor niya kailangan pa niya manatili ng tatlong araw."Siguraduhin mo lamang dahil ang dami na ng naging perwisyo mo."
Seryosong mukha ni Genesis."Okay, ako na rin ang magbabayad ng Hospital bill ko don't worry."
Wika ni Gabriela.Wala ng nakuha na sagot ang Babae sakaniyang Asawa at umalis na din ito ng walang paalam.
"Jav oh! Ang harsh saakin ng Utol mo.
Basta ha? Huwag kang magagalit saakin sa magiging Desisyon ko after my Graduation ha?"
Kausap ni Gabriela kay Javier na parang nasa harap niya lamang ito.Kinagabihay ay dumalaw si Rex kay Gabriela at kinamusta ito.
"How are you?"
Tanong ni Rex."A little bit okay. Eh Ikaw?"
Ngiti ni Gabriela kay Rex."I'm good. Ikaw nga ang inaalala ko eh."
Tugon naman ni Rex."Medyo ayos na rin. Oo nga pala, can I ask a favor?"
Pakiusap ni Gabriela."Oo naman. Ano iyon?"
Kunot noo na tanong ni Rex."Gusto ko na sana lumabas. Tambak na kasi ang trabaho ko eh."
Paliwanag ni Gabriela."Pero ang sabi ng Doctor mo in 3 days ka pa daw makakalabas."
Tugon ni Rex."Please?"
Pakiusap muli ni Gabriela kay Rex."Baka mapaano ka niyan. You'll just stay here."
Pinal ba wika ni Rex."Mabuti ka pa nga nag-aalala ka saakin. Maliban saiyo wala ng iba na nagmamalasakit saakin."
Malungkot na wika ni Gabriela."Para na rin kitang kapatid at syempre binilin ka saakin ni Sheena. Pero si Genesis? Akala ko bf mo siya?"
Wika ni Genesis."Salamat, Rex. Actually hindi ko bf si Genesis, Asawa ko siya because of his Brother's last will and testament."
Matamlay na wika n Gabriela."Wow! Arranged Marriage? Ang Old school naman nun."
Manghang sambit ni Rex."Katulad ni Sheena, galing din ako sa Escort Services. Si Javier lamang ang hindi humusga saakin kahit na ganoon lamang ako, ni wala ngang nangyari saamin pero kinupkop niya ako. Kay Javier ko naranasan kung paano irespeto. Si Sheena at Javier lamang ang naging Pamilya ko at pinagkatiwalaan ng buo. Kaya nga kahit na Kasal namin ng Kapatid niya ang naging kapalit ng kabutihan niya saakin ay pumayag ako."
Mahaba at naiiyak na pahayag ni Gabriela."Paano ba yan? Patay na sila parehas, edi ako na lamang ang bago mong Pamilya?"
Pabiro na wika ni Rex."Oo naman, niligtas mo ako at binigyan mo ng Hustisya ang kaibigan ko kaya simula nun Kapatid na rin ang turing ko saiyo."
"Salamat, salamat. Pagbibigyan kita ngayon sa hiling mo pero I'll check you from time to time, okay? May kulang pa sa Kwento mo."
Wika ni Rex."Huh? Eh ano pa ang kulang?"
Takang tanong ni Gabriela."The story about you and Genesis."
Simpleng tugon ni Rex."Ay naku! Next time na iyon."
Ngiti ni Gabriela.

YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS
RomancePositibo sa buhay at Masayahin ang Dalaga na si Gabriela kahit na ulilang lubos na siya at hikahos na ay determinado ito na matapos ang kaniyang pag-aaral. Sa Gabi at isa siyang Escort sa kilalang Club. Sa Umaga naman ay isa siyang Kolehiyala. Ha...