REGRETS

637 11 17
                                    

POV of GENESIS

Hindi ko maintindihan ang aking sarili.

Bakit ako malungkot?

Bakit parang may kulang?

Diba dapat masaya ako na wala ang aking Asawa?

Mga katanungan na pumapasok na isip ko sa tuwing uuwi ako sa Mansion.

Maging ang Long time Ex Girlfriend at na naging Bestfriend ko na si Kyline ay malapit na akong sukuan dahil sa mga malib Desisyon ko.

"Hanggang ganito ka na lamang ba Genesis?"
Seryosong tanong saakin ni Kyline.

Hindi ako kumibo dahil maging ako ay hindi ko na maintindihan ang aking sarili.

"Kailan ka huling nagpatingin sa Doctor mo?"
Tanong muli ni Kyline.

Hindi ako kumibo sa tanong niya dahil hindi ko na halos matandaan kung kailan ako huling pumunta sa Doctor ko.

"Iniinom mo pa ba ang mga gamot mo?"
Tanong na naman ni Kyline saakin.

"Hin-di n-a"
Utak kong sagot.

"Kaya pala lalong lumalala ang Anger issue mo eh. Alam natin parehas na lumalala na ang Depression mo, Genesis. Ikaw lamang ang makakatulong sa sarili walang iba."
Payo ni Kyline saakin at niyakap ako dahil nangangatog na naman ako.

"Iiwan mo na din ba ako?"
Nangangatog kong tanong.

"Hindi. Alam mong kahit kailan ay hindi kita pinabayaan pero malapit na dahil ikaw mismo ang sumisira sa sarili mo."
Malamig na wika ni Kyline.

Nagligpit si Kyline sa aking Kwarto habang nakatulala ako.

Mabuti na lamang at wala akong personal maid dahil ayaw ko na makita ako ng ibang tao sa ganitong sitwasyon.

Maging ang aking Secretary ay hindi ko pinapayagan na makapasok sa Mansion at Condo ko.

Tanging si Kyline lamang ang nakakaalam na mayroong akong Depression.

Hindi ko makontrol ang pagiging bayolente at mayroong akong Anger issue.

"We both know that you are better than that. Try to fix yourself para sa pagbalik ni Gabriela ay buong buo ka na."
Payo muli ni Kyline saakin habang naghuhugas ito ng kamay.

"Ang laki ko kasing Tanga! Wala kasi akong kwentang tao!"
Galit na sigaw ni Genesis at hinahagis nito ang lahat ng mahawakan.

Napahinga ng malalim si Kyline dahil sanay na ito saakin.

"See? Hindi mo na makontrol ang sarili mo eh. Paano kung masaktan mo ulit si Gabriela? Paano kung mapatay mo siya dahil sa ganiyang estado mo?"
Kalmadong tanong saakin ni Kyline.

Kumalma ako ng marinig ko muli ang pangalan ni Gabriela.

"Tulungan mo ang sarili mo. Kung Buhay pa si Kuya Javier sa tingin mo ba magugustuhan niya ang inaasal mo?
Ayusin mo ang Buhay mo pati na rin ang lahat ng Negosyo na napabayaan mo."
Payo ni Kyline.

Nakatulala pa rin ako at naalala ang magandang ala-ala namin ni Kuya Javier.

"Kasi kung hindi mo tutulungan ang sarili mo Genesis baka kailangan mo na nga talagang pirmahan ang Annulment Paper at palayain si Gabriela."
Matapang na pahayag saakin ni Kyline.

Kinuha na ni Kyline ang kaniyang Bag at lumabas na ng kaniyang Condo.

Kailangan kong makita si Gabriela!

Nais kong makita muli siya bago ko ayusin ang sarili ko.

Kailangan ko ng dahilan at lakas upang bumangon sa pagkakalugmok.

Gabriela....

My Wife.....

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now