HURT

747 11 2
                                    

Maaga pa lamang ay naghanda na si Gabriela ng Breakfast ng kaniyang Asawa. Graduating na sila next year kaya naman magiging abala ang mga ito, Half day na lamang ang kanilang pasok ngunit tambak naman sa gawain. Nang matapos makaluto ay nauna ng kumian ito bago kumatok sa kwarto ng Asawa nito.

Magkaiba sila ng kwarto at pabor na din iyon para kay Gabriela dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa tuwing nasa paligid Ang Asawa.

Bigla na namang naalala ni Gabriela ang Dalaga si Javier.

Hindi na nila ito binurol dahil nilibing agad nila ito katulad ng hiling nito sa Last Will and Testament nito.

Ayaw daw kasi ni Javier na mas lalo pa daw humaba ang sakit at lungkot ni Genesis.

"Breakfast is ready."
Marahang katok ni Gabriela sa kwarto ng kaniyang Asawa.

Ilang beses pa siyang kumatok at ng marinig ang kaluskos na tanda na gising na ang Asawa niya ay bumaba na siya upang asikasuhin ang sarili.

Nang paalis na sana si Gabriela ay nadaanan niya sa Dining ang Asawa kaya lumapit siya dito.

"Maaga ang pasok natin at tambak ang mga Activities. Mauuna na ako umalis."
Bungad ni Gabriela.

Hindi kumibo si Genesis kaya naman tatalikod na sana si Gabriela ngunit naalala nito ang Training niya para sa Company.

"I'll call Maxine later para sa schedule ng Training. Sana hindi tumapat ng weekdays dahil medyo busy na iyon."
Pahayag ni Gabriela.

Wala pa ring imik ang Lalaki kaya naman aalis na sana si Gabriela ng magsalita naman bigla ito.

"Ayaw ko na may ibang makaalam na Kasal na tayo, maliwanag? Si Maxine lamang ang nakakaalam."
Seryosong wika ni Genesis.

"Noted."
Tugon ni Gabriela.

"Huwag na huwag ka lamang magkakamali ng galaw at -"
Hindi natuloy na banta ni Genesis sa Asawa na si Gabriela.

"At ano, Genesis? Sasaktan mo ako?"
Matigas na putol ni Gabriela sa banta ng Asawa.

"May kalalagyan ka saakin."
Banta ni Genesis.

"Andon na ang Uniform mo, ready na iyon. Yung bag mo nasa Sofa dahil nilinis at inayos ko pa."
Pag-iiba ng usapan ni Gabriela.

"Yan tama iyan. Dahil hindi kita bibigyan ng pagkakataon na maging Prinsesa dito. Ikaw lamang ang gagawa ng lahat dito sa Mansion."
Insulto ni Genesis.

Hindi na kumibo pa si Gabriela dahil hahaba lamang ang pang iinsulto sakaniya ng Asawa niya.

Ayaw din ng Babae na tuluyan ng masira ang kaniyang araw.

"I'll go ahead. Maligo ka na para makaalis ka na rin."
Sambit ni Gabriela.

Tinungo na nito ang Garahe upang buksan ang Gate ng Mansion bago sunakay sa Kotse nito at sinarang muli ang Gate.

Pinaandar lamang muna ni Gabriela ang kaniyang Kotse at tinabi ito sa gilid.

Huminga ng malalim ang Babae at yumuko sa manibela.

Nasasaktan siya sa trato sakaniya ng kaniyang Asawa kahit na inaasahan niya ito.

Kahit alam niya na mababang uri lamang naman talaga ang tingin sakaniya nito mula pa noon.

Mas lalo nga lamang lumala ngayon dahil nalaman nito na may alam siya sa sakit ni Javier na kinamatay nito.

Kung tutuusin ay maari naman siyang umalis na lamang sa Poder ni Genesis ngunit ayaw niyang talikuran ang Death wish ni Javier.

Jav yung utol mo inaway na naman ako, Sorry ha? Kasi ngayon pa lamang ay parang gusto ko na talaga sukuan yang si Genesis eh.

Napangiti bigla si Gabriela ng bigla na lamang niya naamoy ang pabango ni Javier out of nowhere.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now