KNIFE

509 12 0
                                    

Napabalikwas si Gabriela ng may marinig na malakas na tili at bangayan galing sa labas ng kaniyang Kwarto. Bumangon siya kaagad kahit pa ramdam niya ang lakas ng kaniyang hangover.

"What the fuck is happening?"
Tanong ni Gabriela sa kaniyang isip habang tamad na tamad maglakad papunta sa pinto ng kaniyang Kwarto.

Sa pagbukas niya ng kaniyang pinto ay napatakip siya ng kaniyang tenga dahil nangingibabaw na ang lakas ng tili ni Kyline habang nag aaway sa harap nito si Rex at Genesis.

"Fuck! Stop it!"
Awat ni Gabriela kay Rex at Genesis.

Ngunit parang walang narinig ang mga ito at patuloy na nagpambuno.

Hindi na nagsalita si Gabriela at dumerecho ito sa Kusina.

Nakita naman ni Kyline ang dalawang kutsilyo na hawak ni Gabriela galing sa Kusina.

"Gab! Please bitawan mo ang mga iyan."
Naiiyak na pakiusap ni Kyline.

"Ayaw nilang magpaawat diba? Para Malaman natin kung sino ang mas matapang."
Wika ni Gabriela dahil lalong lumala ang hangover nito sa ginagawa ni Rex at Genesis.

Walang nagawa si Kyline ng matapang na lumapit si Gabriela kay Rex at Genesis.

"Oh eto ang ang mga Kutsilyo para mas masaya!"
Sigaw ni Gabriela.

Nahinto naman ang dalawa sa pagpambuno at napatigin parehas kay Gabriela.

"What? Bakit kayo huminto? Magpatayan kayo diyan hindi ko na kayo aawatin."
Wika ni Gabriela at tumalikod na pabalik sana sa Kwarto ng makita ang mukha ni Kyline na umiiyak.

"Genesis hindi ka ba nahihiya kay Kyline? Kahit sa kaniya ka na lamang mahiya, huwag na saakin. Kapag mahal mo huwag mo saktan at paiyakin."
Iling ni Gabriela.

Bago pa makapasok sa loob ng kaniyang Kwarto si Gabriela ay narinig pa nito si Rex na inaalo si Kyline.

"Please lock the door when you all leave here."
Matigas na paalala ni Gabriela.

"We need to talk, Gabriela."
Ma awtoridad na wika ni Genesis.

"For what?"
Mataray na tanong ni Gabriela habang hawak ang sedura ng kaniyang pinto.

"About us."
Tugon ni Genesis.

"Patawa ka"
Iling ni Gabriela.

"Please."
Pakiusap ni Genesis.

"Wow ha? Please? Really?"
Halakhak ni Gabriela at humarap sakaniyang ex husband.

"Please, let's fix our marriage."
Pakiusap ni Genesis.

Nagulat si Gabriela sa tinuran ni Genesis dahil sa sinabi nito at hindi pa pumapasok sa utak ni Gabriela ng magsalita si Kyline.

"Please give him a chance to make it up with you."
Singit ni Kyline.

"So you didn't sign the Annulment Paper that you made."
Mapaklang wika ni Gabriela.

"I just found out it, Gab. Kaya naabutan mo kaming nagpapatayan."
Mababang boses na wika ni Rex.

"Sign it Genesis."
Matigas na utos ni Gabriela na blanko ang mukha nito.

"I can't."
Nakayukong wika ni Genesis.

"Whatever reason do you have I don't want to hear it, just leave."
Iling ni Gabriela.

"But Gab-"
Putol na wika ni Kyline dahil sa biglang pagsagot ni Gabriela.

"Kyline please stop it! Hindi iyan Candy na ganoon lamang kadali hingiin!"
Galit na sambit ni Gabriela.

"Watch your voice, Gab."
Paalala ni Rex kay Gabriela.

"Why Rex? Ikaw lamang ang nakakaalam ng lahat pero hinayaan mo na magtapo tagpo ang mga landas natin dito."
Sumbat ni Gabriela na pinipigilan ang pag-iyak.

"I know and I understand it all kung bakit ka naging ganiyan. Pero huwag mo idamay sa galit ang girlfriend ko."
Matigas na wika ni Rex.

"It's okay, hon."
Singit ni Kyline upang matigil na Ang nobyo nito.

"Umalis na kayong lahat pati ikaw Rex bago ko pa makalimutan ang lahat ng kabutihan mo saakin dahil hindi ako magdadalawang isip na tablahin ka."
Seryosong wika ni Gabriela.

Hindi na hinintay ni Gabriela na may magsalita pa sa mga ito at mabilis na pumasok sa Kwarto nito at malakas na sinara.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now