EMPTINESS

421 10 2
                                    

Mahirap man para kay Gabriela ang naging desisyon niya para sa relasyon nila ng kaniyang Asawa na si Genesis ay patuloy pa rin ito sa buhay niya. Ang desisyon niya na iyon ang alam niya na makakabuti para sakanila Lalo na sa Asawa niya.

Wala sa hinagap niya na maging ganito ang buhay may- asawa niya at mas lalo na hindi niya lubos maisip na babalik pang mulo si Genesis.

Halos mag-iisang taon na mula ng pinabalik niya sa Pilipinas ang kaniyang Asawa at hipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya ito namiss.

Minabuti niya na huwag makibalita tungkol kay Genesis at kahit gusto niya itong kamustahin ay pinipigil niya ang sarili.

Higit sa ano pa man ay ayaw ni Gabriela na mapunta lamang sa wala ang lahat ng minana nilang mag-asawa may Javier.

Hindi lamang basta sa kayamanan o salapi ang mahalaga kay Gabriela kundi ang sakripisyo at ala-ala ni Javier na iniwan nito sakanila.

Nag-iinom si Gabriela ngayon sa Apartment niya dahil nakaramdam na naman siya ng lungkot at kakulangan sa puso nito.

"Kamusta ka na kaya diyan Jav?
Super roller coaster na ang buhay namin ng utol mo oh."
Kausap ni Gabriela kay Javier na para bang nasa harap lamang niya ito at napailing.

Habang nag scroll si Gabriela sa Black App ay napataas siya ng kilay sa isang interview ng Babae na malamang ay Artista dahil puro kolorete ang mukha nito.

"What's the real score between you and Genesis?"
Tanong ng isang Reporter sa Babae na ang pangalan ay Rosey.

Wala sanang pakialam si Gabriela sa interview na yun ngunit ang dahilan ng pagtaas ng kaniyang kilay ay ang biglang pagsulpot si Genesis sa tabi ni Rosey.

Napainom tuloy ng derecho si Gabriela sa iniinom na Beer at nilakasan ang volume ng kaniyang cellphone.

"Well it's for you guy's to find out."
Kindat pa ng Babae sa isang Reporter.

"Pero totoo ba na parehas kayong single?"
Usyuso pa ng Reporter sa Rosey at kay Genesis.

"How about we talk about the Charity rather than that?"
Ngiti pa ni Genesis sa Reporter.

Napa stalk si Gabriela ng wala sa oras tungkol sa Asawa niya at sa Rosey na iyon.

"Akala mo maganda ka Rosey?"
Taas kilay na tanong ni Gabriela sa Cellphone niya na akala mo ay kaharap lamang nito si Rosey.

Napag-alaman ni Gabriela na si Genesis at Rosey ay palaging Blind item at na link sa isa't-isa base sa mga napanood niyang interview.

Nagkakilala ang mga ito sa iba't-ibang Charity na Sponsored ni Genesis at aktibo din sa pagtulong si Rosey.

Nalaman ni Gabriela ng wala sa oras ang muling paglago at pagdami ng mga Investor sa kanilang mga Company.

At bilang balik daw ni Genesis sa mga magandang nangyari sa Buhay nito ay tumutulong ito sa mga Charities ayon sa isang Documentary naman na napanood ni Gabriela.

Ngunit sa lahat ng tagumpay ng kaniyang Asawa ay hindi nito sinasabi o binabanggit na may Asawa na ito.

Kaya naman nakabuo ng isang desisyon si Gabriela na alam niyang ikakagulat ni Genesis.

"Kung hindi mo pa napanood yang Rosey na iyan mag iinarte ka pa. Nakabangon naman na pala eh"
Kausap ni Gabriela sa sarili.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now