SUITOR

445 7 0
                                    

Walang tigil sa pagpapadala ng mga bulaklak ang Asawa ni Gabriela na si Genesis. Madalas ay iniiwan lamang nito sa harap ng pintuan ng Apartment niya o kaya naman ay sa Opisina nila.
Madalas na siyang tuksuhin ng mga Kaibigan niya sa trabaho.

"Ang dalaga natin mukhang malapit na madiligan."
Tukso ni Khriing kay Gabriela.

"Magtigil ka nga!"
Irap ni Gabriela.

"Puro sapot na iyang kepay mo friend!"
Halakhak ni Marah.

"Luh! Ang dugyot ah."
Gulat na wika ni Gabriela sa kaibigan na si Marah.

Naputol naman ang asaran nila ng biglang nagsalita ang Security Guard na kadarating lang.

"Excuse me. Coffee for you Miss Gabriela."
Sabi nito.

Nagkatinginan si Gabriela at mga Kaibigan niya dahil mukhang galing ito sa Asawang si Genesis.

"Thank you Sir Kamir!"
Pasalamat ni Gabriela at inabot ang Coffee na may kasamang donuts.

"Ikaw na talaga ses!"
Wika ni Khriing.

Binasa ni Gabriela ang nakasulat.

Good morning!

See you later, wifey.

I love you.

Nagtilian naman ang mga Kaibigan ni Gabriela dahil nabasa din ng mga ito ang nakasulat.

"Ang haba ng hair oh!"
Tukso ni Marah.

"Tumabi nga kayo dyan at baka maapakan ninyo ang mahabang buhok ng Dalaga natin."
Asar pa ni Irish.

"Ewan ko sainyo! Coffee lang kinikilig na kayo?"
Tanong ni Gabriela.

"Eh yung mga Flowers everyday?
Pati yung pag stalk niya saiyo? Nakakakilig kaya!"
Wika ni Lauren.

"Pati yung pag stalk saiyo every single hour."
Dagdag pa ni Khriing.

"Stalker ko siya?"
Gulat na tanong ni Gabriela.

"Hindi mo ba alam?"
Taning ni Khriing.

"Ang alin ba?"
Takang tanong ni Gabriela.

"Actually nakikita na namin siya bago pa namin malaman na siya ang Ex husband mo, friend!"
Halakhak ni Lauren.

"Eh paano nga?"
Tanong pa rin ni Gabriela.

"Palagi namin siyang nakikita sa paligid kapag magkakasama tayo tapos one time nilapitan siya ni Khriing at tinanong ang pangalan. Hindi kumikibo ang Asawa mo kasi ikaw naman pala ang binabantayan."
Paliwanag ni Lauren.

"True d' fire friend! Sorry Gabriela kasi hindi naman namin alam na siya yung Ex Husband mo na hindi mo pa pala talaga ex kasi Kasal pa rin kayo."
Wika ni Khriing.

"Teka nga! How come that I didn't notice that?"
Tanong na naman ni Gabriela.

"Eh namanhid ka na kasi sa lahat ng pasakit ni Genesis at bilib din kami kung paano ka nag focus sa pag moved on."
Wika ni Marah.

"Ah ewan ang gulo!"
Wika na lamang ni Gabriela.

Nang matapos ang kanilang trabaho ay palabas na sila ng kanilang Opisina ng mapansin ni Lauren na andoon sa labas si Genesis.

"Friend look oh. Binabakuran ka na talaga ng Mister mo."
Bulong ni Lauren.

Hindi kumibo si Gabriela at pinasadahan naman nito ang kaniyang Asawa at lihim na humanga.

"Huy Gab! Ang rupok mo na naman!"
Bulong ni Gabriela sa isip niya.

Lumapit si Genesis kay Gabriela.

"Pwede ba kitang ihatid pauwi?"
Alanganin na paalam ni Genesis kay Gabriela dahil nahihiya ito.

"Oo naman, Genesis!"
Singit ni Lauren.

Lumingon naman si Gabriela sa kaibigan na si Lauren at inirapan ito.

"Ingatan mo ang friend namin ha!"
Paalala ni Lander.

"Sinasapot na kasi iyan eh."
Halakhak ni Khriing.

Nagtawanan naman silang lahat maliban kay Gabriela na naiinis na sa mga Kaibigan nito.

"What's sinasapot?"
Takang tanong ni Genesis.

Hinila naman ni Gabriela ang Asawa nitong si Genesis upang hindi na nito marinig nag sasabihin ng mga Kaibigan.

Nang makarating na sila sa tapat ng Kotse ni Genesis ay nagtanong muli ito.

"Ano nga yung sinasapot? Diba gagamba iyon?"
Nagtataka pa rin na tanong ni Genesis.

"Isa pang tanong mo niyan hindi ako magpapahatid."
Irap ni Gabriela.

"Relax."
Ngiti ni Genesis.

Hindi na kumibo si Gabriela at pinilit na lamang ang mga mata hanggang sa nakatulog na ito.

"We are here, wife."
Marahang gising ni Genesis sa Asawa.

Napabalikwas naman si Gabriela at tinanggal na ang seatbelt.

"Ah, Wife."
Bulong ni Genesis.

"Please stop calling me wife."
Matigas na wika ni Gabriela.

Napahinga ng malalim si Genesis at muli itong nagsalita.

"Pwede ba tayong kumain ng dinner sa labas?"
Maingat na tanong ni Genesis.

"No. Masyado mo na akong inaabala, Genesis."
Seryosong wika ni Gabriela at pumasok na sa loob ng kaniyang Apartment.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now