Halos wala pang ligo si Gabriela dahil abala ito sa pagluluto at pag asikaso para sa salubong ng bagong taon mamaya. Sa Apartment niya kasi naisipan ng mga bago niyang kaibigan na magdiwang.
Marami siyang nakilala at naging kaibigan mula ng mag desisyon siya na iwan ang kaniyang Asawa at manatili na lamang sa Dubai.
Halos lahat ay mga Kabayan din ang naging malalapit sakaniya. Iba-iba man ang naging dahilan kung bakit nagkatagpo sila ng mga ito dito ay tinuring na nila ang isa't-isa na isang Pamilya.
Hindi naging madali ang lahat sa unang araw pa lamang na dumating ito doon ngunit naging madali na ito dahil puro mga Pilipino ang empleyado sa Opisina nila.
Malaki din ang naging papel ng kaibigan nito na si Rex dahil hindi siya nito pinabayaan.
Lahat ng kaniyang niluto ay mga Filipino Dishes maging ang kaniyang Dessert dahil kahit paano ay namiss talaga ni Gabriela ang pagkaing Pinoy.
Medyo may kamahalan nga lamang sa Filipino Store dahil sa pag-angkat mula pa sa Pilipinas.
Wala ang kaibigan niyang si Rex dahil lumipad ito pauwi ng Pilipinas dahil may mahalaga daw itong gagawin. Hindi na rin naman nag abala pa si Gabriela na alamin kung ano iyon.
Nang makita na maayos na ang lahat ay nagpahinga na muna siya at hinintay na sumapit ang gabi upang makapag ayos na ito ng sarili.
Sakto naman na nakaayos na si Gabriela ng unti-unting dumating ang kaniyang mga kaibigan dahil ilang minuto na lamang ay alas dose na.
"Wow! Amoy pa lamang ay winner na!"
Puri ni Khriing at bumeso kay Gabriela."Shelemet pows!"
Maarte na sambit ni Gabriela at tinanggap ang beso ng kaibigan nai Khriing."Totoo!"
Sang-ayon naman ni Bien at bumeso rin kay Gabriela."Miss na miss ko na talaga ang pagkaing Pinoy."
Komento ni Kris at niyakap si Gabriela.Sumang-ayon ang ilan pa nilang kasama at lahat ay bumeso na din sa kaibigan nilang si Gabriela.
Nasa kinse katao sila na animoy isang buong Pamilya na may Reunion.
"Soon magbakasyon tayo sa Pinas, please?"
Pakiusap ni Crisha."True! Super saya siguro nun."
Tugon ni Via."Kaya nga eh. Ang kaso naman itong Dalaga natin may iniiwasan."
Tukso ni Lester kay Gabriela."Promise, hindi tayo magpapakita sa ex mo."
Hirit pa ni Crisha."Well, pwede naman eh. Mag leave kayo tapos ako ang mag stay sa Office para sa paper works."
Wika ni Gabriela."Yan tayo eh!"
Halakhak ni Bryan.Sa pagtingin naman ni Gabriela sa kaniyang relo ay nakita nito na pumatak na ang alas dose.
"Happy New Year, folks!"
Sigaw ni Gabriela habang tumuturotot."Happy New Year!"
Bati ni Jun."Happy New Year, guy's!"
Sigaw ni Prince."Happy New Year po!"
Mahinhin na bati ni Manny."Happy New Year!"
Sigaw din ni Ralph."Bye 2024, Welcome 2025!"
Wika ni Sherwin.Bumati pa ang ilan sakanilang mga Kaibigan at patuloy ang kanilang yakapan.
Kumakain naman na silang lahat ng biglang sumulpot su Rex at may kasamang Babae ito.
"Happy New Year!"
Bungad ni Rex na nakangiti.Napalingon naman si Gabriela dahil nagulat ito sa pagsulpot ni Rex.
At mas lalo pa itong nagulat sa kasama ng Kaibigan na si Rex habang magka holding hands ang nga ito....
Si Kyline!
"Happy New Year, Gab."
Nahihiyang bati ni Kyline.Kunot noo naman na lumapit si Gabriela kay Rex at Kyline habang tinutukso ito ng mga Kaibigan nila.
"Pinagpalit mo na ako"
Maarte na wika ni Sam at niyakap si Rex.Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Sam dahil ito itong Gay.
"Wait. What? I mean why?"
Naguguluhan na tanong ni Gabriela kay Kyline at Rex."Relax."
Ngiti ni Rex."Don't worry, Gab. Kami lamang ni Rex ang andito."
Paliwanag ni Kyline sa naguguluhan na si Gabriela.Pinili na muna ni Gabriela na irespeto si Kyline at Rex buong magdamag dahil ayaw niya na matigil ang kasiyahan nila.
Isa-isa namang nag uwian ang mga kaibigan nila Gabriela dahil may pasok pa sila mamaya.
Hanggang sa nalasing na si Gabriela at bago ito nakatulog ay kinausap pa si Kyline at Rex.
"Malinis ang Guestroom ko at may mga new clothes doon pati Toiletries. Just feel at home and let me know if you need something."
Wika ni Gabriela."Thank you. Happy New year!"
Ngiti ni Kyline habang naka-akbay si Rex dito at nakangiti.Tatalikod na sana si Gabriela ngunit hindi ito nakapag pigil na paalalahaan si Rex.
"Ah, Rex?"
Sambit ni Gabriela na nakapikit."Yes my friend?"
Natatawa na tugon ni Rex."Let's talk later, okay? Marami kang kailangan na ipaliwanag."
Nakataas na kilay ni Gabriela."I know right."
Halakhak ni Rex."Good mornight Kyline kahit na marami akong gustong malaman."
Wika ni Gabriela at tumalikod na para maligo bago ito matulog.

YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS
RomancePositibo sa buhay at Masayahin ang Dalaga na si Gabriela kahit na ulilang lubos na siya at hikahos na ay determinado ito na matapos ang kaniyang pag-aaral. Sa Gabi at isa siyang Escort sa kilalang Club. Sa Umaga naman ay isa siyang Kolehiyala. Ha...