GATE CRASHER

484 11 1
                                    

Matapos magpa make over at nag shopping ng mga sexy lingerie at t-back na dadalhin niya pabalik sa Pilipinas ay nag beauty rest na si Gabriela na may ngisi sa kaniyang labi.

"Tingnan ko lamang kung mapansin mo pa iyang Rosey na yan! Hmmp!"
Ngisi ni Gabriela sa kaniyang isip.

Kinabukasan ang lipad niya pabalik ng Pilipinas kaya nga abala si Gabriela na magpa make over at bumili ng mga gagamitin niya para sa Asawa.

Walang alam ang mga Kaibigan niyang sina Kyline at Rex lalo na ang kaniyang Asawa sa biglaan niyang pag uwi sa Pilipinas.

Hindi alam ng mga ito maging ang plano niyang makisali sa Victory Party para kay Rosey.

Nalaman niya ang mga schedule na magkasama ang kaniyang Asawa at ang Babae na si Rosey.

Nang magising si Gabriela ng madaling araw ay naghanda na siya dahil maaga ang flight niya.

Napanood na naman niya ang Interview ni Rosey sa Black App at nainis siya dahil maganda talaga ito at sexy kahit na anong lait niya dito.

Nakahanda na ang Babae maging ang mga Bisita nito sa Victory Party nito.

Kaya paglapag pa lamang ng Eroplano sa Airport ay mabilis na nagpahatid si Gabriela sa Mansion na ngayon nila ng Asawang si Genesis.

Oo sa Mansion ako uuwi!

Dahil ako ang Asawa at ako lamang ang maari na andoon!

Naging emosyonal naman si Gabriela ng makita muli ang kaniyang Kotse, malinis ito at halata na alaga sa maintenance.

Napahinga ng malalim si Gabriela ng nakaramdam ng At Home feeling, namiss niya bigla si Javier.

Tiningnan niya ang oras at mabilis siyang nag shower upang makapag ayos na din siya.

Nilagay niya ang mga bagahe niya at pasalubong sa Kwarto ng kaniyang Asawa.

Oo ulit!

Matutulog kami sa Kwarto na niya!

Dalawa lamang kami!

Nang makontento sa kaniyang Alindog ay napangisi siya sa salamin.

Nakasuot siya ng See through na Sexy Dress at nag heels.

Nagmukha siyang mamahalin!

Bring it on!

Nang makarating na siya sa Hotel kung nasaan ang Victory Party ay derecho na siya kung nasaan ang kasiyahan.

Nakita niya ang mga Kaibigan na si Kyline at Rex at nagulat ang nga ito habang papalapit sakaniya.

"OMG! I knew it!"
Tili ni Kyline at mahigpit na niyakap si Gabriela.

"It's nice to see you here my friend!"
Masaya na nagyakapan si Rex at Gabriela.

"Where's my husband?"
Tanong ni Gabriela.

"Oooppss. I think he's there."
Turo ni Kyline na habang nakangisi.

Paano ba naman?

Nagsasayaw ng Sweet dance ang kaniyang Asawa at ang maharot na si Rosey!

"Careful, Gab."
Wika ni Rex dahil mabilis na tinungo ni Gabriela ang Dancefloor kung nasaan ang kaniyang Asawa.

Nang nasa likod na si Gabriela ng kaniyang Asawa ay hindi pa rin siya nito napansin.

"I think you are already drunk."
Wika ni Rosey na dinig naman ni Gabriela.

"Excuse me!"
Mataray na sigaw ni Gabriela at marahas na tinanggal nito ang mga kamay ni Rosey sa Asawa.

"Hey! Who are you?"
Gulat na tanong ni Rosey dahil nasaktan ito sa ginawa ni Gabriela.

"Well, I believe he's my husband!"
Mataray pa din na sigaw ni Gabriela kay Rosey na halatang laban na laban.

"Oh! No wonder he's so deeply in love with you. You're a Goddess!"
Manghang wika ni Rosey.

Nalilito si Gabriela sa nangyayari ng bigla naman nagsalita ang kaniyang Asawa na si Genesis.

"Ro-sey, pleashe te-ll me it is just a dream. Dyo-sha sha pe-ro mash Dyo-sha ang Ashawa k-o."
Lasing na lasing na wika ni Genesis at tinuturo pa si Gabriela.

Hindi na muling nagsalita si Gabriela at pilit na inaakay ang Asawa na si Genesis palabas ng Party na iyon.

"Mish ba-ka pa-tayin a-ko ng Asha-wa k----o. "
Lasing na wika ni Genesis sa Asawa at pilit na inaalis ang Katawan kay Gabriela.

"Ako na ang bahala sa Asawa mo.
Saan ko kayo ihahatid?"
Natatawang tanong ni Rex.

"Sa Mansion. Thank you."
Wika ni Gabriela.

"Ihahatid na namin kayo pero babalik kami bukas dahil baka maka-abala kami sa make love ninyo."
Kinikilig na wika ni Kyline.

"Yeah right. Marami tayong pag-uusapan love birds."
Wika ni Gabriela.

"By the way, ang hot mo!"
Ngiti ni Kyline.

POSSESIVE WILD SERIES #13 ; HEARTBREAKER by GABRIELA and GENESIS Where stories live. Discover now