Not playing
It’s been several days since we returned home, yet I remain lost in a daze. Like a broken record, the memories of what happened between Zhared and me keep replaying in my mind, over and over again.
Dapat nagmumukmok at umiiyak ako dahil sa paghiwalay namin ni Cairo. Pero heto ako ngayun at parang tangang distracted. Mabuti sana kung magandang distraction pero hindi.
Lalaki rin ako—hindi ko maitatanggi ang natural na pangangailangan ng katawan. My response was purely instinctive, driven by a reaction I couldn't control. It’s a natural response, nothing more.
But when he leaned in, his lips finding mine, I found myself surrendering to the moment, my instincts taking over before reason could intervene.
Pagkatapos ng nangyari sa gazebo ay ginawa ko na ang lahat para iwasan siya. Kahit lingunin siya ng isang sigundo ay hindi ko ginawa.
He also acted like nothing happened. Subrang galing niyang magtago ng kababalaghan niya. Kapag tapos na ay kaya niyang umakto na parang wala lang pero kapag nahuli naman sa akto ay wala rin siyang balak na itago talaga. Iyong tipong sasabihan ka lang niya ng "enjoy the show".
Ako itong parang malalagotan ng hininga sa mga pinanggagawa niya eh. Gusto ko man siyang pigilan ay nakikita ko nalang ang sarili kong bumibigay sa kanya. Na hindi dapat.
"Ugh! You're so stupid Reese!" Sinabunutan ko ang sarili at gumulong-gulong sa kama. Nang hindi makontento ay inuntog ko ang ulo ko sa headboard. "Aray!" Tang ina ang sakit.
Binaon ko ang mukha sa unan ko at doon sumigaw. Fuck. Sa dinami-dami ng tao bakit sa kanya pa. I can't let my body be a slave to his touch. Kahit kanino nalang 'wag lang sa kanya.
Pagkatapos ng tugtog namin ay agad kaming bumaba ng stage. "That was great, guys." They only nodded in agreement.
"Uuwi kayo agad?" Tanong ni Gael.
"May pupuntahan pa ako." Sagot ni Seven.
"Sino 'yan? May tinatago ka no? Ilang araw ko nang napapansin 'yan huh. Nagmamadali kang umuwi agad. Lagi mong rason na may pupuntahan ka." Sinondot-sundot pa ni Gavin ang gilid ni Seven.
"Basta." Maikling tugon ni Seven at naglakad palayo.
"Pakilala mo sa amin! Damot nito."
Hindi na siya pinansin ni Seven kaya natawa nalang. Bumaling siya sa kapatid na nakanguso na ngayon. "Edi broken hearted ka kambal." Tukso nito.
"Mukha mo broken." Umirap ito sa kanya at padabog na umupo sa couch.
"Inuman tayo. Libre ko Seraia. Let's comfort that broken heart of yours."
Kung nakakapatay ang tingin ay kanina pa nakahandusay si Gael. Seraia doesn't look happy. Tumawa lang ang mga ugok at agad um-order ng alak.
Umupo ako sa katapat nilang couch. Tumabi rin si Logan sa akin na ngayon ay bumalik na sa sarili. Tahimik na naman at nakikisama lang sa isang gilid.
Mabuti naman. Mas gusto kong ganyan siya kaysa naman sa maligalig niyang bersyon na nagpapakaba sa buong pagkatao ko.
Pinaulanan ng tukso nina Gael at Gavin si Seraia na siyang kinagigil niya. Lumalagubo na ang likod ng dalawa sa hampas at suntok nito pero mas natatawa lang sila.
Nangingiting pinagmamasdan ko sila nang may mahagip ang mata ko. Nakaharap ang couch na inuupuan ko sa entrance kaya kitang-kita ko ang pagpasok nila.
He was still dressed in his corporate attire as he held the girl's waist, guiding her inside. Both of them were beaming with happiness. The girl exuded sophistication with her effortless elegance. Her hair was styled in a sleek high ponytail, and although she was dressed simply in a black turtleneck and gray trousers, her presence was undeniably captivating, effortlessly drawing attention.