Chapter 28

7 2 0
                                        

Their world is too dirty for me to live in. I'm not fond of pretending, not even of those pretentious acts just to keep themselves on top. I've already learned my lesson—the hard way even.

Hindi lang marumi, maingay pa. I might be the loudest person my father could ever think of, but I'm better off alone. There are still things missing in my life, but I love it as it is—well, aside from the loneliness that always visits me at night.

And I don't intend to follow in their footsteps...

Kaya na nila 'yan. Desisyon nila 'yun eh, panindigan nila. At kawawa naman sila kung pati ako sasabak sa mundo nila, baka mawalan na sila ng trabaho niyan. Sisihin pa nila ako sa huli.

"Ang hirap makipag-plastikan." Singhal ni Ayon. Lasing na 'to. Kanina pa kumakawala ang ugali niyang barumbada, kita sa paraan ng kaniyang pananalita.

How is she supposed to make it home in that state?

"Isang beses, kilala mo ba yung atrimitidang modelo ng isang sikat na clothing line na kakabukas lang? Yung si Villaflores!?" she slurred as she asked.

I don't even know who Villaflores is.

I glanced across my seat, Sera nodding absentmindedly. Wow, she's drunk too! Ang galing talaga nilang dalawa. Ayon kept ranting about her work and the artists she worked with—who she claimed to have some serious attitude problems, which she despised the most.

Sera listened intently. She looked fine, but the flicker in her eyes said otherwise. Her hand was slowly losing its grip on the glass.

They're both drunk. I just hope they won't wake up in the morning and see themselves all over the internet for badmouthing every artist they've worked with. I breathed in deeply, carefully reaching for the glass in Sera's hand.

Mabilis ko itong nakuha sa kaniya. Hindi na rin naman niya kasi napansin ang ginawa ko sa kalasingan. Minasdan ko siyang nangalumbaba sa arm ng sofa, patuloy pa ring tumatango sa kinukwento ng kaibigan namin.

Nagkakaintindihan pa ba sila?

"Iniimagine ko tuloy, sa inis ko sa ugali niya, na sinasabunutan ko siya hanggang tuluyang umiyak at nagmakaawa sa akin na tama na. Tanginang ugali! Saan ka nakakita ng magrerequest ng black coffee tapos ang pait raw?"

"Bobita talaga. Saan ka ba nakakita ng black coffee na sobrang daming asukal?" Sarkastiko siyang tumawa sa sarili. "Diba? Saan? Ibibili ko siya ng asukal para manahimik siya sa pagbibitch niya."

Sa amin.
Natawa ako sa bulong ng isip ko, kasabay ng pag-init ng tenga ko sa kanilang usapan. Nilibang ko ang sarili sa ibang bagay at pinigilan ang sariling lumangoy pabalik sa nakaraan.

My thoughts drowned her blabbers. Tumunghay ako sa kawalan habang nagpapalitan sila ng kanya-kanyang reklamo. I couldn't relate, and I was too distracted to even join their drunken chitchats.

Paulit-ulit akong ibinabalik ng sarili sa mga alaalang nangyari na. Masyadong naging mabilis ang lahat noon.

Who was at fault? And who was wrong? To be saved or to let yourself drown. I had my choices, and I had the call to choose what was best.

Ako lang ba ang dapat sisihin, ang may pagkukulang? Hindi na rin naman iyon mahalaga. Ano pa ba ang saysay ng mga katanungan ko—nang lahat? Una pa lang, hindi naman naging kami. Buong paglalaro lang ang namagitan sa amin.

And Natalie was present at that time...

Lumipas ang oras ngunit ang alak sa aking sistema ay hindi pa rin pumapasok. Pucha, mukhang immune na nga ako sa gabi-gabing pag-inom. Sinundan ko kung paano nahulog ang ulo ni Sera sa sandalan habang si Ayon ay bagsak na rin sa aking tabi.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now