Chapter 29

8 3 0
                                        

Kinaumagahan, ay sinundo ni Kuya si Malaya. Ayoko pa nga siyang ibigay kaya nagtalo kami. Sa inis ko, naalala ko ang biglaang pag-iwan niya sa anak niya sa pamamahay ko, kaya ayun, parehas kaming bad trip sa isa't isa.

Sa tuwing naaalala ko yung mga sinabi niya, nag-iinit buong ulo ko at gusto ko siyang sugurin sa bahay habang natutulog, para ibalik sa dati ang buhok niyang malago na ngayon.

"Tigilan mo nga ang anak ko, Maya," singhal niya sa akin nang sinabi kong dito muna ang pamangkin. "Mas marami ka pang oras na kasama ang anak ko kaysa sa akin. Ako ang tatay, oh. Yung totoo, bakit parang ako pa yung Tito?"

"Kahit yung bata, Tito na ang tinatawag sa akin!"

"Ano ka ba, Kuya, inaasar ka lang ng anak mo! Syempre, kanino pa ba magmamana ng kapilyahan niya 'yon?" laban ko. "At isa pa, wag ka na ngang magreklamo diyan, Kuya. Just be thankful that Malaya has an aunt who loves her dearly!"

"Thankful? Mukha mo thankful. Wag ka ngang nakiki-anak diyan." He rolled his eyes at me.

"Kung gusto mo ng anak, gumawa ka ng sarili mo—" he stopped. "Oh right, wala ka nga palang boyfriend." Mapang-asar siyang tumawa. "Kawawa ka naman. Wala ka nang boyfriend, wala ka pang anak."

"Hayaan mo, akong bahala sa'yo! Ihahanap kita ng lalaki, para naman hindi yung anak ko ang pinagkakaabalahan mo palagi. Syempre, 'di ko hahayaang tumanda kang dalaga, 'no?"

Ngumisi siya sa akin. Malakas ko siyang hinampas sa kanyang braso.

"Aray!"

"Argh! I hate you, Kuya! Lumayas ka na nga. Wag ka nang babalik rito."

Wala sa oras akong nag-general cleaning sa pagka-irita sa kanya, hoping that as I clean my whole place, I can sweep away all the lingering thoughts of him—the annoying remnants he left in my mind.

Tama lang rin pala na naglinis ako dahil kukunin ko si Taro sa Bulacan. I know that he's well taken care of, but I need him here. Para naman may kasama ako at hindi mag-isa sa gabi. Pero ang sabi ni Kuya ay wala raw si Taro sa bahay. Apparently, Articus borrowed my dog.

I have rarely seen him since. It seems like a wall is built around us. I don't even talk to them. Well, hindi ko rin naman sila nakikita dahil abala. Sa mga nakalipas na taon, mas lumaki ang kompanya.

Pero maliit lang naman ang iniikutan naming mundo. Nakakapagtaka pa rin na 'di ko man lang sila nakasalubong.

Mas mabuti na rin. I heard that Akio rarely spoke to them, and when he did, it was strictly business. Sabi nila, pero hindi naman ako naniniwala. They're friends—business partners even—as if they can go on without speaking to each other. He must've kept in touch with them.

Ewan ko sa kanila, pare-pareho sila ng utak. Kahit ang Kuya, hindi ko maintindihan. He spent a lot of time with the two idiots but didn't dare introduce his daughter.

Yung isa naman, akala mo walang buhay ang alaga ko. Anong tingin ng gagong 'yon sa aso ko, laruang teddy bear?! Pwede niyang hira-hiramin dahil lang gusto niya?

Dinig ko ay may pinopormahan ang gago. Vet siguro kaya kinukuha ang aso kong nananahimik?

"Where's my dog?"

Bungad ko nang sinagot niya ang tawag. Maingay ang kanyang paligid, napangiwi ako sa sigawan at malakas na tunog ng music.

Is he at a party? Everything's loud and noisy.

"Where are you?" I asked out of curiosity.

"Bwisit ka, yung aso ko! Kung lalandi ka nga, wag mong dinadamay ang inosente kong aso," dagdag ko nang hindi siya sumagot.

Dancing with the DevilWhere stories live. Discover now