2

5 0 0
                                    

Nagmamadali ako na kinuha ang phone ko atsaka hinanap ang mga larawan namin ni Nicole.

Nanlalaki ang mga mata ko habang binubuksan ang gallery ko sa phone.

Nabitawan ko sa kama ang phone ko at napahiga doon habang nakatitig sa ceiling.

Naitakip ko ang isang braso ko sa mata. Nahihilo pa ako na hindi ko malaman dahil sa hangover.

Nalasing talaga ako kagabe.

At hindi man lang ako pinigilan ni Damon sa mga pinaggagawa ko!

I even blocked Nicole.

Sa mga accounts at contacts ko.

Paano na lang kung gusto niya akong tawagan o i-message.

Umupo ako sapo ang noo ko at inialis ang pagkaka-block niya sa contacts ko.

Ang mga larawan namin ni Nicole at mga larawan niya mismo ay hindi ko na ma-recover dahil ginawa ko ang lahat kagabe para hindi na ito maibalik pa.

Me
Damon! You asshole!

Nag-message ako sa GC namin nina Damon dahil sa inis ko sa kaniya.

Damon
Sabi ko na nga ba at sisisihin mo ako. Pinigilan kita pero ayaw mo. Huwag mo akong sisisihin diyan.

Miguel
Bakit? Ano'ng nangyari? Sorry we're busy kaya hindi ako maka-connect. Hahahaha.

Damon
Broken hearted kasi Dude. Hindi naman pwede si Blake ngayon.

Damon
Anyway, Blake? Kamusta kayo?

Miguel
Hindi na magiging okay ang love life mo Lee. Masyado kasing masama ang pag-uugali mo. Bukod sa mukha kang pera. Ginagamit mo pa si Laurene. Hiwalayan mo kaya ng diretso para maniwala sa iyo si Nicole na siya lang.

Damon
Oo nga.

Mas nainis ako nang makita ko na nag-like si Eli sa message ni Miggy.

Tanggap ko naman na ganoon ang tingin nila sa akin. Ang mahalaga, mabait ako sa mata ng mga magulang ko at kay Kuya Lex.

Ang hindi ko matanggap, ay kapag si Nicole na ang nagsasabi sa akin ng mga bagay na alam ko na ganoon ako pero ang hirap tanggapin kapag ganoon ang tingin niya sa akin.

At mas naiinis ako kapag galing din kay Eli. Dahil sa pagkakaalam ko, masama din ang ugali niya.

Me
Sino ba ang may ayaw sa pera? Mukha rin naman kayong pera. Akala mo itong si Eli kung maka-like napakaganda ng ugali. Mas masama pa nga ang ugali mo sa akin.

Pinatulan ko na. Nakakaasar.

Eli Alacaraz Left the Group.

Miguel Rivera added Eli Alcaraz to the Group.



Blake
We're good. Kailangan lang magpahinga ni Drew. I'm doing best. Pasensiya na kung hindi ko muna kayo madamayan. And I'm planning to reschedule our wedding. Ayoko na ganito siya sa kasal namin. She needs time.


Magre-reply sana ako nang makita ko ang chat ni Blake.

Napabuntong-hininga ako sa aking nabasa.

Hindi ko rin maintindihan bakit iyon nangyari.

Ayoko rin masyadong dumalaw kina Blake dahil bumibigat ang loob ko sa tuwing nakikita ko ang mga nangyayari.

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon