"Just leave her alone."
Iyon ang madiin ko ma sabi kay Mom habang nakatayo ako sa harapan niya. Sinadya ko talaga siya sa shop niya para kausapin. Eksakto rin na nandito si Kuya.
"Ginagawa ko lamang ang tungkulin ko bilang ina—
"Don't do anything Mom." awat ko at napailing. "Just don't do anything."
"Huwag mo akong dinadala sa kaka-english mo Lee! Naiintindihan ko lahat. Na hindi ako dapat makialam dahil palagi akong nagkakamali o nagbibigay ng kahihiyan sa pamilya na ito. Hindi mo kailangan ipamukha sa akin iyon."
Napabuga ako ng hangin sa ere sa stress na ibinibigay sa akin ni Mom ngayon. Akala ko kay Dad lang siya pwede magbigay ng stress. Hindi pala kami exempted.
"Mom, ang lalim ng mga sinabi mo. Ang sinabi ko lang, tantanan mo si Nicole. Hindi bagay sa iyo ang maging mapanghusga at matapobre. Hindi talaga." huminga ako ng malalim atsaka siya muling hinarap matapos siyang talikuran para makapagpigil. "Alam ko naman na magaling kang magpanggap, magpanggap kana lang din na gusto mo si Nicole para hindi na mahirapan iyong tao. Pero kung ayaw mo talaga sa kaniya, okay lang. As long as Dad is fine with it, okay na iyon—
"Lumitaw din." namumuo ang mga luha na putol ni Mom sa sasabihin ko.
Doon ko na-realize ang mga sinabi ko.
"I don't really wanna talk—
"Para sa inyo ang Dad lang ninyo ang dahilan ng lahat ng ito. Sino ba ang pumili ng mga numero?—
"Pera pa rin ni Dad iyon." humalukipkip ako atsaka hindi siya tinignan. Ayoko siyang tignan dahil maaawa na naman ako sa kaniya at sa huli ay hindi niya seseryosohin ang mga sinabi ko.
"Tama na iyan. Parang mga bata eh." awat ni Kuya atsaka na pumagitna sa amin. Hinawakan niya sa kamay si Mom atsaka iyon hinagkan. "Mom, alam ko naman na nag-aalala ka kay Lee na baka mapunta siya sa kung kanino lang. Kaya na niya iyon. Matanda na ang bunso mo at alam mo naman na hindi iyan nagpapauto o nagpapagulang sa iba."
"Talaga." singit ko pero sinenyasan ako ni Kuya na tumigil na.
"Mahal ka namin Mom. Siyempre kung hindi dahil sa iyo, sa mga numero na iyon. Aba, wala tayo dito ngayon." paglalambing ni Kuya na ikinailing ko. Tinignan ako ni Mom atsaka ako inismiran at yumakap kay Kuya. "Pero pera iyon ni Dad at pinaghirapan nila pareho ni Lee ang DBC. You should let him rest. Kung sa tingin mo ay okay naman siya kay Nicole, let him be."
"Pero ginugulo ng mga press ang buhay niya. Bumaba ang ratings ng DBC News dahil sa kaniya. Iniisip ko lang ang kapakanan ng kapatid mong walang pakialam sa akin." daing niya kay Kuya na muli kong ikinailing.
"Si Lee iyan. Kaya niya yan. Manood na lang tayo." ani Kuya atsaka muling niyakap ito.
"Tinawag pa akong magaling magpanggap. Matapobre !"
"Maiwan ko na kayo diyan." paalam ko dahil ayoko na na magkasagutan kami ni mom. Hangga't kaya ko tinitiis ko na huwag siyang patulan. I love her. I love my family. Ang ugali kasi ni Mom ngayon, wala sa lugar. Sobra...
Buti pa ako, totoo lang.
Hindi ko kailangan magpanggap.
May tumanggap man o wala sa akin, ayos lang.
We are now officially dating.
Iyon ang nagpappagaan ng loob ko ngayon sa kabila ng mga tantrums kailan lang ni Mom.
Nicole and I are happily in a relationship.
I'm contented, I'm blessed to have someone like her.
She takes good care of me.