19

3 0 0
                                    

"Hindi naman kita pwedeng pigilan sa mga bagay na gusto mong gawin sa buhay mo. Matagal kana rin nahihirapan sa poder namin ng Papa mo kaya mas okay na sumama ka sa taong tingin mo ay magpapasaya sa iyo."

Iyon ang mga sinabi ni Mama matapos kong ikuwento lahat sa kaniya ang tungkol sa pagsama ko kay Lee.

Pagkasara ko ng maleta ko ay huminga ako ng malalim at tumitig kay Mama na mangiyak-ngiyak na.

"Sabihin mo lang sa akin Ma, kung kaya mo ng iwanan si Papa—

"Hindi ko pwedeng iwanan ang Papa mo lalo na't aalis ka."

Napabuntong-hininga lamang ako atsaka tumayo.

Niyakap ko siya ng mahigpit at habang siya ay umiiyak. Pigil ko ang mga luha ko habang yakap-yakap ko siya.

"Ako na ang bahala kay Papa. Hindi ka niya sasaktan dahil hangga't kaya ko na ibigay ang mga bagay na kailangan niya ay gagawin ko. Pero sana ay alam mo rin Ma kung kailan ka titigil at kailan ka tatakbo papalayo sa kaniya. Don't him hurt you just to satisfy him. Please.."

Nang maghiwalay kami sa yakapan namin ay pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti.

"I'm trying to understand you Ma. Kung bakit hindi mo maiwan si Papa sa kabila ng lahat ng mga ginawa niya. Kaya nandito pa rin ako para sa inyo. But please, take good care of yourself too. Okay? I love you.."

Tumango siya at humahagulgol akong niyakap muli.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan na umiyak din dahil sa lungkot na aking nararamdaman.

Hindi ko naman siya pababayaan.

Gusto ko lang subukan. Gusto ko lang sumubok na maging masaya kahit papaano.


Hindi ako nagpasundo kay Lee dahil kahit alam ko na may ideya siya sa nangyayari sa akin ay hindi ko pa rin kayang ikwento o sabihin ang lahat sa kaniya.

Siguro ay dahil nahihiya ako.

Yeah. Iyon ang totoo.

Ikinahihiya ko noon pa man ang buhay na mayroon ako.




"Huwag na huwag mong sasaktan ang Mama ko kung ayaw mong ihinto ko ang mga ibinibigay ko sa iyo."

Iyon ang mga salitang iniwan ko kay Papa bago ako tuluyan na umalis na nginisian lang niya.

He's a terrible father.

He only cares about himself.

Ang pagsusugal at pag-inom ng alak.

Ang pananakit sa amin ni Mama.

Galit na galit ako sa kaniya.

Dahil sa mga ginagawa niya sa amin.

Kung hindi lang dahil kay Mama, baka ano na ang nagawa ko sa kaniya.









Pagbaba ko ng taxi ay nakita ko kaagad si Lee na nakatayo sa gilid ng kalsada habang may kausap sa phone nito.

Nasa tabi siya ng kaniyang kotse at busy sa kausap kaya siguro hindi ako napansin.

Naka-sun glasses siya at itim na itim iyon kaya hindi ko maaninag ang nakakamagneto niyang mga mata.

Naka-cream na chino pants lamang siya at itim na polo shirt pero gwapung-gwapo ako sa kaniya.

Alam ko na hindi siya pumapasok din sa trabaho dahil naka-leave lamang din siya katulad ko.

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon