Kahit naramdaman ko ang paghaplos ng kaniyang palad sa aking pisngi ay pinili ko na huwag magmulat.
Ayoko na makita siya pagkatapos ng nangyari kagabi.
Ang gusto ko lang umuwi na at magpasa ng resignation letter sa kumpanyang pagmamay-ari nila at huwag na siyang makita pa.
Nainsulto ako sa mga sinabi niya.
Sa harap ng mga kaibigan niya at mismong sa sarili ko mismo.
Dahil wala iyong katotohanan.
I was doing my best to avoid him.
Pero siya ang dahilan kung bakit ako nadala at naging marupok sa kaniya.
I admit, I like him so bad. Kaya siguro ako ganoon karupok.
Pero hindi niya dapat ako pinag-isipan ng ganoon.
I thought he was genuine about his feelings for me.
Pero tama pala ang sinasabi ng iba.
Hindi ko man ito nakita ay naranasan ko mismo.
"I'm sorry..."
Naikuyom ko ang kamao ko at pinili na talikuran siya kunwari habang nakapikit nang narinig ko siya.
Nang maramdaman ko ang paghakbang niya papaalis ay nagmulat ako at doon umagos ang mga luha ko...
My feelings for him are genuine.
Pinili ko na ibigay ang tiwala ko sa kaniya.
Ibinigay ko lahat ng tiwala ko.
Lahat-lahat.
Napaluha ako lalo ng maalala ang gabing nangyari sa amin. Ibinigay ko lahat....
Hindi ako mukhang pera.
Hindi ako manggagamit...
Kaya ko ng walang tumutulong sa akin.
Wala siyang karapatan na insultuhin ako ng ganoon.
Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kaniya sa kabila ng mga ginawa kong pag-iwas...
Dahil nadala ako sa mga ginawa niya para sa akin.
Nadala ako sa mga salita, gawa, yakap at halik niya.
Napakainosente ko.
Napakatanga ko.
Pag-upo ko sa kama ay siya naman pagtunog ng phone ko.
Numero lang ito na madalas ay hindi ko sinasagot.
Pero ngayon ay parang may nagtulak sa akin na sagutin ito.
Habang nagsasalita ang nasa kabilang linya ay unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata.
Hanggang sa nagmamadali na akong pumasok sa banyo.
Hindi ko alam kung paano ako nakaligo at nakapagpalit ng damit.
At kung paano ako nakarating ng ospital kung saan naka-confine si Mama.
Umiiyak ako na nakahawak sa kamay ni Mama habang nakapikit siya. Namumutla at puno ng pasa ang mukha.
Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang aking sarili habang nakatitig kay Mama.
Umiiyak ako at naninikip ang aking dibdib.
"Hey. Kumalma ka lang. Okay na si Tita. So please, chill."
