3

3 0 0
                                    

Habol ko ang hininga ko nang magising ako kinaumagahan.

Nasapo ko ang noo ko at nadama ko ang init ng parteng iyon ng balat ko. Nakadama ako ng init ng pakiramdam habang hindi ko magawang kumilos man lang...

Ipinikit ko rin muli ang mga mata ko pero nagmulat din dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.

Sinubukan ko na makaupo pero hindi ko magawa dahil parang ang bigat ng katawan ko.

Init na init ako pero hindi naman ako pinagpapawisan.

Damn.

I'm sick.

Pinilit ko na makaupo para kuhanin ang phone ko.

Nang makuha ko ito ay hinanap ko ang pangalan ni Mom sa phone ko.

Nang subukan ko itong tawagan ay hindi siya sumasagot.

Ayokong tawagan si Laurene kaya si Kuya Lex ang tinawagan ko.

Ayoko rin kasing istorbohin si Dad.

"Lee?"

Boses iyon ni Kuya sa kabilang linya.

"I'm sick. Bring me to the hospital. Or just visit me here, at least." paos ko na sabi sa kaniya.

"Okay. I'll be there."

Binitawan ko ang phone ko at muling humiga para hintayin siya.

Nakatulog pa ako sa paghihintay hanggang sa tumunog ang pintuan ko sa condo.

Hapo ako na tumayo at kinuha ang shirt na hinubad ko kanina lang dahil sa naiinitan ako kahit nakabukas naman ang aircon dito.

Pagbukas ko ng pintuan ay doon ko nakita ang babaeng hindi ko inaasahan na paparito.

"Why...."

"Tinawagan ako ni Sir Lex." tugon niya na hindi nakatingin sa akin. Inilapit niya ang isang plastic sa akin. "Kumain ka at uminom ng gamot pagkatapos. Tapos magpahinga ka."

Tinanggap ko iyon at nang akmang aalis na siya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko....



Hinawakan ko siya sa braso bago pa siya makalayo.

Nang lingunin niya ako ay may pag-aalala ako na nabasa sa kaniyang mga mata.

"Can't you stay..." halos pakiusap ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim at humakbang papalapit sa akin.

Kumilos ang kamay niya na isa at dinama ang noo ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa kaniyang ginawa.

Damn. It felt so good.

"Mataas ang lagnat mo." she murmured beforw I let go of her arm.

Binuksan ko ng mas maluwag ang pintuan para bigyan siya ng daan.

Pumasok naman siya kasunod ako.

Hindi pa man siya nakakalayo ay mabilis na akong nakalapit sa likuran niya.

Iniyakap ko ang mga braso ko sa kaniyang beywang na ikinagulat niya.

Napahawak siya sa mga braso ko ng mahigpit na tila ba nahihirapan siya kung aalisin ba iyon o hahayaan lamang.

"Nicole...." tawag ko sa kaniyang pangalan.

Paos ako at nanghihina pero hindi ko siya nais pakawalan ngayon.

"Stay..."

Naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng pagkakahawak niya sa mga braso ko kaya dahang-dahan ko siyang iniharap sa akin.

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon