7

5 0 0
                                        

Halos araw-araw kaming magkasama ni Nicole. Madalas din siya sa condo ko para doon matulog. Minsan kahit wala ako kapag alam ko na pagod siya ay hinahayaan ko siya na doon mag-stay. Minsan ako na ang namimilit sa kaniya kapag ayaw niya.

Hindi ganoon kadali ang trabaho niya kaya alam ko na may pagkakataon talaga na napapagod siya.

Lalo na kapag naiisip ko na may pinagdadaanan din ito sa kaniyang pamilya.

Gabi na nang sabihan niya ako na hindi siya ko  makakapunta ngayon sa akin dahil lalabas daw sila ng mga kasamahan niya sa trabaho.

So that includes Carson.

Kahit alangan ako ay hinayaan ko na lang muna para makapag libang din siya.

Kahit wala akong tiwala kay Carson.

At siya na mismo ang nagsabi, hindi ako kailangan pumunta doon dahil wala pa nga silang alam sa kung ano ang mayroon kami.

Kaya heto ako ngayon papunta ng RE Bar para makipagkita kina Miggy.

Nang makita ko na papasok si Eli sa RE Bar ay nilakihan ko ang mga hakbang ko at sadya siyang binangga.

"Sorry. Nauna ako." nakangisi ko na sabi atsaka naunang pumasok.

Nagulat ako ng may humila sa kwelyo ko sa likod at hinila ako pabalik.

Nang lingunin ko ay si Eli iyon . Pinakawalan niya ako pagkatapos ay nauna siyang maglakad sa akin.

Gago 'to!

"Hey Jerk!" habol ko sa kaniya.

He just gave me his middle finger in the air that pissed me off.

"You!"

Akmang aagawin ko ang upuan niya pero naunahan niya ako. Inis na inis ako na umupo sa kaniyang tabi. Napatingin ako kay Miggy na papalapit. At nang akmang uupo na ay tinadyakan ko ang uupuan niya kaya muntik na siya g mahulog.

"Asshole!" bulyaw niya sa akin.

Kunwari ay wala akong ginawa. Ginawa ko iyon nang makaganti man lang kahit sa bestfriend lang niya.

"Dapat sa inyo hindi nagkikita." naiiling na komento ni Damon samantalang si Miggy ay para na akong sasakalin sa galit.

"Bakit pa kasi ninyo isinama 'to?" tanong ko sabay lingon kay Eli sa aking tabi.

"Alangan naman ikaw lang?" lumingon din siya sa akin at umismid. "Tingin mo ba masaya ako na kasama ka?"

"Tingin mo masaya rin ako na kasama ka? Jerk." balik ko sa kaniya sabay halukipkip.

"Get lost." pananaboy pa niya sa akin.

"Get lost too. Jerk." kinuha ko ang tubig iinumin sana ni Miggy at ako na ang uminom doon.

"Sira ulo talaga 'to." iritado si Miggy na parang hahambalusin na ata ako.

"Ready ka na ba sa kasal mo?"

Tumango si Blake atsaka ngumiti sa itinanong ni Damon.

Doon kami medyo nanahimik at nakinig sa usapan.

"Drew is trying. Alam ko pinipilit niya na maging okay ang lahat dahil iniisip niya rin ako. Pero masaya naman kami pareho na itinuloy namin
ito."

"Yeah. Just stay beside her. Tawagan mo kami kung kailangan mo ng tulong."

Tumingin ako kay Miggy sa kaniyang tinuran.

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon