1

5 0 0
                                    

"Are you with me?"

Napasulyap ako kay Laurene nang sabihin niya iyon. Uminom ako ng tubig at pinunasan ang aking mga labi bago sumagot.

"Kailangan ko ng bumalik. Marami pa akong gagawin."

"But we're not done talking yet." kunot ang noo niya na sabi. "So tell me, hihiwalayan mo ba ako na Fiancee mo para sa isang babaeng kinababaliwan?"

Nangalumbaba ako at tumingin sa ibang direksiyon.

"Sabihin mo na para maihanda ko ang sarili ko na mapahiya sa buong bansa. Na hiniwalayan mo ako kahit Fiancee mo na ako para sa ibang babae. So tell me right now."

"Ayaw niya na hiwalayan kita, dahil wala naman daw kami." walang gana ko na tugon. Tamad ko siya na tinignan. "Tell me, what will I do?"

Nasa mukha niya ang pagkamangha bago ako tinawanan.

"Oh stop laughing. It's not funny." iritado ko na suway sa kaniya na lalo niyan ikinatuwa.

"I didn't know that she was like that. I mean, ang lakas ng chance niya na mas piliin mo siya. But she chose to let you go." she leaned towards me and smiled sweetly. "Maybe she's not interested—

"She likes me a lot. Alam ko iyon." putol ko sa kung ano man ang sasabihin niyan.

Sumandal siya ng upo at tinitigan ako ng diretso sa aking mga mata.
"Ramdam mo siya? Bakit Lee, ako ba hindi mo ramdam?"

Natigilan ako sandali at pagkatapos ay sumagot. "You're just using me—

"And you're using me too." she smiled slyly. "And I love being used by you."

Napailing lamang ako sa kaniyang mga tinuran bago ako tumayo.

"I think I should go. Kaya mo na sigurong umuwi ng mag-isa. Malaki ka na."

Sumimangot siya sa mga sinabi ko habang patayo na rin siya.
"I'm serious. Kung ayaw na niyang ayusin ang sa inyo, ayusin natin ang sa atin Lee."

Napahinto ako sa paghakbang ko sana papaalis at lumingon sa kaniya.
"Sorry?"

"Ayusin natin kung ano ang mayroon sa atin. Let's take it to the next level. We're engaged and we're both enjoying each other's company. You know what I mean. Tigilan na natin ang gamitan. Seryosohin na natin ito Lee."

Ito ang madalas na ayaw ko sa kaniya.
"Huwag mo akong pangunahan. Kung ayaw mo ng set up natin, iyon ang ititigil natin. Stop acting like that Laurene. You're making me sick."

Bago ko siya iniwan ay nakita ko kung paano rumehistro ang lungkot sa mukha niya.

What can I do?

Hindi ko ma-imagine na siya ang makakasama ko habang ako ay nabubuhay.

Seryosohin?

Napag-usapan na namin iyon.

Hindi lalagpas ang relasiyon na mayroon kami sa napag-usapan namin.

Ang usapan namin ay sasamahan namin ang bawat isa sa tuwing kailangan.

Pero higit pa roon, wala na.

She's my Fiancee tama siya.

Pero hindi iyon opisyal.

Walang naganap na ano man para sa ganoong bagay.

It was juts a rumor before.

Na pinatulan lang namin.

Hanggang sa patulan na ng pamilya namin at ng buong sumusubaybay sa buhay na mayroon ako.


Bago ako nag-drive paalis ay may message pa sa akin si Laurene.

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon