21

2 0 0
                                        

"Sir heto na iyong isang phone na pinabili mo."

Inabot sa akin ni Benedict ang phone na ipinabili ko na gagamitin ko lamang para sa usapan namin ng Dad ni Nicole. Muntik na kaming magkasamaan ng loob dahil doon.

"Tell him na dito ako tawagan at i-message. And tell him not to contact me during nights. Pinagkakamalam pa siyang babae ni Nicole."

"Sige po Sir."

Napatitig ako sa phone ko at napakunot ang noo ko nang makita ang sunud-sunod na message ni Nicole.

Tinatanong niya kung nasa office ba ako.
Kung tapos na ba ang meeting.
Kung kasama ko ba si Benedict.

Walang palya ang mga mensahe niya sa akin simula kanina.

Maging ang pagkain ko ay mino-monitor niya.
Pati kung sino ang kasama ko.

At ang dami niyang miscalls after the meeting.

"Hmmmm."

She's really watching my moves.

Alam ko ang dahilan nito.

Hindi pa rin siya kuntento sa mga sinabi ko kagabe.

O baka nag-aalala siya na may iba talaga.

Napangiti ako at sinubukan siyang tawagan. Dahil ang mensahe niya ngayon lang ay magkita kami sa rooftop.

"You may go." utos ko kay Benedict.

"Nasaan ka? Ang tagal mo?"

"Heto na. Papunta na." nakangiti ko na tugon sa kabilang linya. Naglakad ako palabas ng office at tinungo ang elevator.

"Wala ka man lang reply." may pagtatampo sa kaniyang tinig kaya lalo akong napangiti.

"Masyado kang clingy ngayon Miss Nicole. Nakakapanibago.. But I like it. Ramdam ko ang pagkabaliw mo sa akin."

"Tsk."

Pagbukas ko ng pintuan sa rooftop ay nakita ko siya na nakasandal sa pader at doon ay lumingon siya sa akin.

Tinapos ko ang usapan namin at lumapit sa kaniya.

"What is it?" nakangiti ako at nakatitig sa mukha niya.

Pinunasan ko ang pawis ng noo niya at iniayos ang kwelyo niya.

"Mukhang gusto mo talaga akong makita. Tiniis mo ang init dito."

Nagulat ako ng yumakap siya sa akin at hindi kumibo.

"May problema ba?" I asked and hugged her back.

"I just wanna see you." she answered. "Niloko si Rica ng boyfriend niya.." then she added.

"Nakakalungkot naman iyon." tugon ko dahil alam ko na ang nais niyang iparating.

Tumingala siya at tumitig sa akin.
"She cried a lot."

"And then?"

Inialis ko ang buhok na tumabing sa pisngi niya.

"I cried too."

Natawa ako atsa siya hinagkan sa noo.

"Why? Niloko ba kita?"

Natigilan siya at nakagat ang pang-ibabang labi.

"Sorry. May mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Na alam mo na. Ang layo ko sa mga babae na pasok sa standard mo—

Hindi ko siya hinayaan na magsalita pa.

Sinapo ako ang magkabila niyang pisngi at hinagkan siya sa mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon