9

2 0 0
                                    

Dahil sa kagustuhan ko na malaman kung ano ang nangyayari kay Nicole ay lihim akong nagbigay ng utos kay Benedict.

Dahil dito ay nalaman ko ang mga nangyari kay Nicole noong gabi na gusto niya akong makita.

Nasapo ko ang aking sentido habang nakapikit dahil sa mga ibinigay na report sa akin ni Benedict.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ganoon ang mangyari.

She's working so hard for them.

Why?

Bakit kailangan niyang pagdaanan at maranasan ang mga ito.

How can I stop those things from happening?

Sumisikip ang dibdib ko sa katotohanan na sinaktan si Nicole ng kaniyang sariling ama.

Hindi ko alam kung paano ko siya poprotektahan, tapos siya na ama nito....

"It's unbelievable." naiiling ko na bulong atsaka kinuha ang phone ko.

Tumayo ako, diretsong lumabas sa aking opisina.

"Samahan mo ako." aya ko kay Benedict nakaagad naman tumayo at sumunod sa akin.

"Saan tayo pupunta Sir—

"Dalhin mo na ko sa lugar na iyon."

Nais kong makita ang kalagayan ni Nicole doon. Walang pasok si Nicole ngayon dahil Sabado ngayon at ito ang araw ng kaniyang pahinga.

Gusto ko siyang makita.

Kahit ayokong bumalik sa lugar na iyon.


Nakatitig lamang ako sa bahay na mukhang na-renovate na dahil iba na ang itsura nito sa bahay na kilala ko noon.

Tila ba bumalik sa aking ala-ala sa tuwing nakikita ko si Nicole na nasa bakuran at doon naglalaro.

Pagkatapos ay sa tirahan namin noon ako napatitig.

Naipagawa na ito ni Dad dahil paminsan-minsan ay dumadalaw sila dito. Dito mismo sila sa bahay nananatili sa mga pagkakataong iyon. Pati si Kuya Lex...

"Si Miss Nicole..."

Natigilan ako at napalingon sa gate na bumukas. Iniluwa nito si Nicole.

Naka-pambahay lamang ito na damit at mukhang inilabas lang ang basura na bitbit niya.

Naka-bun ang buhok niya habang naka black crop top ito at maiksing shorts lamang. Sa tuwing itinataas niya ang kaniyang kamay para ayusin ang buhok niya na kumakawala sa pagkaka-bun ay humahantad ng bahagya ang kaniyang makinis na balat sa tiyan.

Napahawak ako sa aking baba at napangiti habang nakatitig sa kaniya.

She's gorgeous like hell.

Wala akong balak na magpakita sa kaniya.

Pero bigla ko siyang na-miss.

Gusto ko siyang makausap kahit saglit lang.

Bubuksan ko na sana ang pintuan nang may lalakeng lumapit sa kaniya at nakipagkwentuhan dito.

Kumunot ang noo ko at pinakatitigan ang lalake.

He looks familiar.

Inalala ko kung saan ko ito nakita at nakilala...

Hindi ko maalala.

Pero ang alam ko lang ay kailangan ko ng bumaba para lumapit at pumagitna sa kanila.

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon