"Hindi ba sumasagot?"
Sumulyap ako kay Lee atsaka tumango.
"Puntahan ko kaya?"
Huminto siya sa pag-browse niya sa kaniyang phone atsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.
"Late na rin kasi. Baka tulog na.."
Umiling ako at hindi sumang-ayon.
"Hindi maagang nakakatulog si Mama. Maaga pa ito para sa kaniya."
Alas-diyes na ng gabi pero alam ko na gising pa si Mama.
Hinanap ko ang pangalan ni Gab sa contacts ko at siya ang sunod ko na tinawagan.
"Why do you have to call that—
Hindi ko na hinayaan na makatapos sa pagsasalita si Lee. Tumayo ako nang sumagot si Gab. Sa kaniya ako nagtanong kung ano ba ang ginagawa ni Mama.
"Can you please check on her? Hindi ko siya ma-contact. Nag-aalala ako." sabi ko sa kabilang linya.
May sinasabi siya pero hindi ko marinig kaya pinindot ko ang loudspeak ng phone ko.
"What?"
"Bumalik kana dito para hindi ka ganiyan nag-aalala kay Tita. Hindi ko alam kung bakit naisipan mo na sumama sa lalakeng iyan...."
Natigilan ako at bahagyang napalingon kay Lee. Tumayo siya at naglakad papunta sa may pintuan. Binuksan niya iyon atsaka lumabas.
Napabuntong-hininga ako at binalika si Gab.
Doon ko nalaman na tulog na nasa kusina daw pala si Mama at nasa kwarto ang phone nito kaya hindi sumasagot.
"Pag-isipan mo pa Nicks. Hindi pa huli. Kung nag-aalala ka talaga kay Tita, hindi mo siya dapat iniwan–
"Gab..."
"Fine. Wala naman ako sa lugar para makialam. Pasensiya na. Pero kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako."
"Salamat Gab. Pasensiya na rin at naistorbo kita."
"Wala iyon. Alam mo naman na hangga't kaya ko, tutulong ako sa iyo—
"Sorry to interrupt you. Matagal pa ba?"
Napalingon ako kay Lee na nakakunot na ang noo habang nakatitig sa akin. Hindi ko narinig ang pagpasok niya.
"Hmm. Gab, thank you. Magpahinga kana.." paalam ko kay Gab at tinapos na ang usapan namin.
Hindi ako pinansin ni Lee. Dumiretso siya sa banyo at nagtagal siya ng ilang minuto doon.
Alam ko naman ang nasa isipan niya kaya siya ganoon kumilos at magsalita.
Nanatili ako na nakaupo sa kama at hinintay siya na makalabas.
Nang bumukas ang pintuan at lumabas siya ay hinintay ko siya na lumapit sa akin pero sa kusina siya dumiretso.
Huminga ako ng malalim atsaka na humiga ng kama.
Nagkumot ako at ipinikit ang aking mga mata.
Gusto ko siyang suyuin pero alangan ako dahil baka hindi niya ako pansinin.
May ganoon pa rin akong pakiramdam minsan sa aming dalawa.
Dahil siguro sa kilala ko na siya. Ang ugali niya.
Naaninag ko ang pagpatay ng ilaw sa paligid. At ang pagbukas ng lampshade sa side table.
Hindi ako magmulat. Hinayaan ko lamang siya.
