Naging busy ako pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Nicole na naantala dahil kay Miggy.
Hindi ako nakaka-receive ng tawag o message mula sa kaniya kaya hindi ako mapakali.
Hindi ko naman maiwan ang trabaho ko sa labas dahil importante ito.
Sinusubukan ko siyang tawagan at mag-message sa kaniya pero wala siyang ibinibigay na sagot sa akin.
"Hindi na nga pala magbabago ang date ng kasal nina Blake at Drew. Nasa bakasyon sila muna ngayon para magpalamig. Kahit papaano ay nagiging okay na rin daw si Drew. Nag-usap na rin ang dalawa."
Tumango lang ako sa mga ibinalita ni Damon sa akin. Alam ko naman na magiging okay sila.
Ang inaalala ko ay ang sa amin ni Nicole.
"Are you with us?"
Huminga ako ng malalim bago nilagok ang laman ng baso ko.
"I thought we're okay again."
"Heto na naman tayo." naiiling na wika ni Damon at tumingin kay Miggy na may kausap sa phone. "Miggy, tawagan mo sina Eli. Ayokong damayan ng mag-isa ito."
"Bakit hindi siya tumatawag. O nagme-message man lang." hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Damon.
"Kailan ka pa naging ganiyan ka open pagdating sa love life mo sa amin? Bumalik ka nalang sa dating ikaw. Sarilinin mo na lang Dude." daing ni Damon sa akin.
"What should I do? Kailangan ko ba siyang puntahan ngayon? Hindi ko rin siya mahuli sa DBC. Pakiramdam ko, iniiwasan niya ako." patuloy pa rin ako sa pagsasalita kaya napapailing na lang sina Damon at Miggy sa akin.
"Nasisiraan na ito. Nawala ang pagka-cool sa isang babae." panunuya ni Miggy sa akin.
"Wala na 'to." nakangiwing sabi ni Damon sa akin sabay tawa.
Napatingin ako sa kakadating lang na si Natalie.
Bigla akong napangiti na tila ba sa unang pagkakataon ay natutuwa ako na makita ito.
"Hey. You're close to her right?"
Lumingon sa akin si Natalie atsaka itinuro ang sarili. "Are you talking to me?"
Lumingun-lingon ako at muli siyang tinignan.
"May iba ka bang kasama na pumasok? Ikaw lang hindi ba?"Umismid siya sabay lapit sa amin.
"Tigil-tigilan mo ako Lee. Medyo pagod ako sa biyahe dahil hindi ako sinundo ng isa diyan." sumimangot siya at sumulyap kay Miggy na ngingiti-ngiti. "Isusumbong kita sa Mommy mo.""Sorry na. May inasikaso lang ako sandali. Patawarin mo na ako.." paglalambing ni Miggy at lalapit sana kay Natalie pero humarang ako.
"Hey!" sita ni Miggy sa akin pero parang wala akong narinig.
"Call her. Tell her to come here. Ipasundo natin kung kailangan. Basta yayain mo siya dito.." Desperado ko na utos kay Natalie na nasa mukha ang kalituhan.
"Sino?" sumulyap siya kay Miggy sa likuran ko . "Ano ba ang pinagsasabi nito? Paki-explain."
"Nicole. Just call her, para bumalik siya sa katinuan." tugon ni Damon na hindi ko na rin pinatulan.
Nakatitig sa akin ng may pagdududa si Natalie habang kinukuha ang phone sa bag nito.
"Tapusin mo muna kaya iyong sa inyo ni Laurene bago mo landiin si Nicole—
"Huwag kang makialam. Just call her—
"Gago ka?" nanlalaki ang mga mata ni Natalie na singhal sa akin. "Tawagan mo siyang mag-isa. Sira ulo ito."
