Nakatitig lamang ako sa pera na na-transfer ko na sa account ng Papa ni Nicole. The amount of the money that I just sent to him wasn't a joke. It was a big amount. Itinago ko ito sa pamilya ko. Tanging si Benedict lamang ang may alam nito at wala ng iba. And I will really kill him kapag nalaman ito ni Nicole o nina Mom at Dad.
"Why so serious?"
Naitaob ko ang phone ko nang marinig ang tinig ni Nicole.
Napatitig ako sa kaniya na kakalapit lamang at umupo mismo sa tabi ko.
Dito ako sa coffee shop malapit sa DBC naghintay sa kaniya dahil hindi na siya nagpasundo mismo sa kanilang bahay.
Humalik ako sa pisngi niya atsaka ipinatong ang braso ko sa likod ng kaniyang upuan habang nilalaro ang kaniyang buhok.
"May ipinapaasikaso lang si Dad." I lied pf course.
Sinenyasan ko ang isa sa mga staff na i-serve na ang kape na na-order ko na para kaniya kanina.
Napatitig ako sa phone niya na gamit niya ngayon. Nakita ko ang pangalan na Carson sa inbox niya kaya napakunot ang noo ko. May message din doon na nakapangalan kay Gab? That guy?
Habang naka titig ako sa kaka scroll niya ay marami pang naka-unread messages doon na puro mga lalake.
Iyong iba mga numbers lang.
Hinagkan ko siya sa noo at inakbayan papalapit sa akin.
"Hey. I'm—
Natigilan siya nang mag-angat ng tingin at nakita ako.
Nakita siguro niya na nakakunot ang noo ko.
"Any problem?" aniya.
Sumulyap ako sa kaniya.
"My girlfriend is quite famous." tanging tugon ko atsaka pinalapag na sa staff na lumapit ang kape niya.
Kinuha ko ang phone niya na muli niyang inagaw.
"Pahiram." matipid ko na sabi sa kaniya.
"Ano'ng gagawin mo—
"Basta.." inagaw ko iyon at wala siyang nagawa.
Nang buksan ko ito ay natigilan ako.
Napalingon ako sa kaniya.
Ang pisngi niya ay biglang namula habang pasimple siyang uminom sa kaniyang kape.
Natigilan ako at sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
Inilapag ko sa harapan niya ang phone atsaka hinaplos ang kaniyang balikat habang nakaakbay ako sa kaniya.
Iniharap ko ang phone ko at sumulyap sa kaniya.
I tapped the screen of my phone.
Napasulyap din siya doon at pagkatapos ay napaangat ng tingin sa akin.
"You like that picture also?" mahina niyang tanong na may halong hiya.
Napahaplos ako sa aking batok at hinawakan ang kamay niya kung saan nakasauot ang bracelet na ibinigay ko sa kaniya.
"Yeah. It's our best picture. You know." nakangiti ko na sang-ayon atsaka pinagsalikop ang mga kamay namin. "Your hand really fits mine." dagdag ko atsaka iyon dinala sa aking mga labi. "That's
how my hand also exactly fits on your—"Don't say it." putol niya at pilit binabawi ang kamay sa akin pero tinawanan ko lamang siya.
"Seriously Nicole."naiiling ko na sabi. "You're turning me on with those–
