12

3 0 0
                                    

Hangover is real.

Nagising ako at dire-diretso na lumabas ng kwarto para pumunta na CR sa mismong kusina nina Frances.

Alam ko nna dito na kami nakatulog dahil ang huling naaalala ko ay hindi na kami lumabas ng kwarto pagkatapos kaming ihatid ni Nicole.

Pagbukas ko ng banyo ay nandoon si Eli at nagsusuka rin doon habang hinahaplos ni Frances ang kaniyang likod.

Nang mapalingon si Eli sa akin ay naitakip ko ang palad ko sa bibig ko atsaka nagmamadaling tinungo ang lababo sa kusina.

Doon ay ilang beses akong nagduwal at napahawak ako sa aking ilong dahil sa amoy.

Aalis na sana ako doon pero muli akong nasuka.

Habang nagsusuka ako doon ay may humaplos sa likuran ko.

I washed my face and turned my head to that person.

Then I saw Nicole.

Covering her nose while getting some tissue behind her.

Hinawakan niya ako sa braso atsaka inilayo sa lababo.

She wiped my mouth. Kumuha ulit siya at mukha ko naman ang kaniyang pinunasan habang nakatingkayad.

Hinawakan ko siya sa palapulsuhan kaya natigilan siya at napatitig sa akin.

"Dito ka natulog?" tanong ko habang nakatitig sa kaniyang magandang mukha.

Tumayo siya ng maayos at itinapon ang tissue sa basurahan.

"Paano siyang uuwi panay ang labas mo ng kwarto at hinahanap siya."

Napalingon ako kay Frances na hawak sa braso si Eli at pinaupo ito.

Inabutan nito ng kape ang asawa. Hindi sila nag-uusap. Halata ito dahil nang hahawakan sana ni Eli ang kamay nito ay umiwas ito. Kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin nang matalim ang mga mata ni Eli na tinitigan ako.

Bagay sa kaniya.

"Tignan mo ang ginawa mo." sita sa akin ni Nicole habang paupo kami sa harap ng hapag-kainan. "Nakakahiya."

"Hayaan mo ng lumungkot naman ang buhay niya—

"Hey..." awat niya sa akin at inilapag sa harapan ko ang isang tasa ng kape.

Well, alam ko naman na may lungkot talagang pinagdaanan ang lalakeng ito. Pero may mas lulungkot pa ba sa buhay ko na noon ay wala talagang pera?  Tingin ko ay wala.
Ipinanganak naman itong mayaman kaya wala naman dapat ikalungkot doon.

"Kumain kana muna, bago ka umuwi." magiliw na anyaya ni Frances kay Nicole at inabutan din siya ng pinggan.

Pati ako ay inabutan din ni Frances pero hindi ngumiti sa akin.

Napaisip tuloy ako, galit din ba ito sa akin?

Well, bahala sila.

Basta nandito si Nicole.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Nicole kaya napatingin siya sa akin. At akmang babawiin ito pero hindi ako pumayag.

"Ihahatid kita." nakangiti ko na sabi sa kaniya.

"Huwag na—

"Kasalanan nina Eli kaya ka nandito—

"Sira ka ba?"

Lumingon ako kay Eli at ngumisi dahil sa inis sa mukha nito.

"Lee..." suway ulit sa akin ni Nicole.

Pero hindi ko pinansin ang tono niya na pang-aawat sa akin.

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon