"Ayaw mo na?"
Lumingon ako kay Miggy at umiling.
"Bakit? Ang aga naman?" tanong naman ni Damon.
Hindi ako kumibo.
Nangalumbaba ako habang nakatitig kay Nicole na nasa gitna kasama sina Natalie at doon ay nagkakatuwaan habang nakasunod sa pagsayaw sa tinutugtog ng banda sa tabi ng dalampasigan.
Tanging liwanag na nanggagaling sa bonfire bumabalot sa lugar na ito pero kitang-kita ko kung gaano kasaya si Nicole ngayon.
This is what I want.
Ang makalimot siya kahit papaano at ma-enjoy ang oras na ito.
Gusto ay sarili muna niya ang isipin niya ngayon.
Kahit huwag na muna ako.
"Ayaw mo talaga?" pangungulit ni Miggy at inilapit ang beer sa akin.
Bahagya ko na tinabig iyon at umiling.
"May aalagaan pa ako mamaya." tugon ko sabay ngiti nang makitang muntik pa na mapatid si Nicole pero nahawakan ni Drew. Imbis na sumimangot siya ay sinabayan niya ang tawa nina Natalie.
Wow.
Baliw na baliw ako sa ngiti at tawa niya.
My heart is beating faster and louder.
Nakakabingi.
Maybe this is the effect of Nicole Perez to me.
It's breathtaking.
Tinawana lang ako ni Miggy atsaka napailing.
Bahala silang lahat.
Basta ako, papanoorin ko si Nicole at hindi ako magsasawa.
Napaayos ako ng upo sa buhangin at napangiti nang mapatingin siya sa akin at humakbang papalapit sa akin.
Nakangiti sina Natalie na nakasunod ng tingin sa kaniya.
Nang ilahad niya ang kamay sa akin ay tinanggap ko iyon at siya mismo ay umupo sa harapan ko patalikod sa akin.
Iniyakap niya ang mga braso ko sa beywang niya at pinagsalikop ang mga kamay namin.
Ipinatong ko ang aking baba sa kaniyang nakahantad na balikat patsaka naman siya bahagyang sumandal sa akin.
Medyo basa pa ang buhok niya at ramdam ko ang lamig ng kaniyang balat.
Nakabikini pa rin siya at wala man lang kahit ano'ng nakabalot sa kaniyang katawan katulad nina Natalie.
Kumawala ako sandali sa yakapan namin at hinubad ko ang shirt ko. Ayaw pa niya itong isuot noong una pero wala rin siyang nagawa nang ipilit ko ito.
Bumalik kami sa ayos namin kanina habang tahamik akong nakamasid kina Natalie na nagkakatuwaan doon kasama na sina Miggy.
"Okay ka lang?" tanong ko atsaka hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Isiniksik niya rin ang katawan niya sa akin atsaka luminon ng bahagya dahilan para mas mapalapit ang mukha niya sa akin. Ngumiti ako atsaka hinagkan siya sa pisngi. "Drunk?"
Umiling siya atsaka tumawa ng mahina. "A little." aniya.
"Hindi naman ako uminom masyado. You can do whatever you want. Uminom ka at talunin mo sa alak si Natalie at Drew. Akong bahala sa iyo." I kissed her shoulder and hugged her tighter. "I'll take good care of you."
Inabot niya ang pisngi ko kahit nakatikod siya sa akin at hinaplos ito.
"I know. Thank you for making me feel happy like this.""Anything for you." inilapit ko ang mukha ko sa kaniyang tenga. "Masarap ba na may isang Lee Alvarez na nag-aalaga sa iyo?"
