10

1 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan sina Blake at Drew ng mga vows nila habang ako ay hindi mapakali na naghihintay ng message ni Nicole kung makakahabol ba siya.

Sobrang busy kasi niya ngayon sa DBC kaya hindi niya alam kung aabot ba siya.

Tinawagan ko si Benedict na alalayan nito si Nicole sa pagpunta dito sa simbahan.

Nicole
Hindi na ako aabot sa simbahan. I'm sorry. Baka sa mismong venue na ako makahabol. Pero ihahatid naman ako ni Benedict. I'm sorry.

Me
Pagod kana. Kung hindi mo kaya, maybe next time? Isasama nalang kita kapag nagkita-kita kami..

Nicole
No. Tapos na rin ako. Wait for me. Nakakahiya kung hindi ako pupunta, sayang iyong dress din na binili mo.

Napangiti ako atsaka napailing. Dahil bumalik sa alaala ko kung gaano siya ka-hot at kaganda sa dress na iyon.


Nakatitig lamang ako kina Blake at Drew.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano nagustuhan ni Blake si Drew.

Blake is so nice. I know that. Alam ko na may pagka-pilyo at hilig siya sa mga babae kahit wala sa itsura at pananalita niya. May mga pagkakamali rin talaga siya noon. Pero para sa akin ay mas malala pa rin ang ugaling mayroon si Drew.

She's so impulsive and she's doing whatever she wants.

Hindi nalalayo ang ugali niya kay Natalie kay close sila.

Ang ipinagtataka ko ay bakit malapit si Frances kay Natalie kahit sobrang layo ng ugali nila sa isa't isa?

"What?"

Nagulat pa ako nang pinanlakihan ako ng mata ni Natalie dahil nakatitig ako sa kaniya. Hindi ko kasi makuha si Frances.

Bukod sa hindi rin ako makapaniwala na naging asawa nito si Eli, ay iniisip ko rin kung paano nito nakukuhang pakisamahan ang katulad ni Natalie at Drew.

Umiwas ako ng tingin dahil nasa kabilang upuan sina Natalie at katabi ko si Damon.

"Nababasa ba niya ang iniisip ko?" tanong ko sa aking sarili. Nanginig pa ako ng kaonti sabay iling. "Creepy."

Nang sabihin ni Father na "You may now kiss the bride" ay nagpalakpakan ang nasa paligid. May mga pumito at naghiyawan.

What's so exciting about this moment?

Aren't they sharing a kiss before this wedding?

Napangiti ako nang maisip si Nicole.

Maybe it will be really exciting if it's with the woman that you adore and like.

Tumitig ko kina Blae at Drew.

That's why they're both stunning out there.

They're in love.



Bago ako sumakay sa kotse ko ay nilapitan ako ni Damon.

"Si Nicole? Hinahanap din kasi siya ni Czai. Gusto niya itong ma-meet ng mas maayos."

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon