Napatitig ako sa sarili kong repleksiyon sa salamin kung saang coffee shop kami nagpasyang magkita ni Lee. Susunduin sana niya ako ngunit hindi na ako pumayag dahil ayoko na makita ito ni Papa. Nasa bahay si Papa ngayon at ginagamot pa rin ni Mama ang mga sugat at pasa na hindi ko alam kung saan niya galing.
Sinipat ko ang aking sarili sa salamin at doon ko napansin na tila ba pinaghandaan ko ang pagkikita namin.
Nag-init ang mukha ko sa aking naisip.
Noon ay naka salamin talaga dahil malabo rin ang mga mata ko pero nang dahil sa mga papuri sa akin ni Lee noong isang araw na makita niya akong walang suot na salamin ay nagpasya ako na mag contact lens nalang.
Kumuha ako ng tissue at tinanggal ang lipstick na mayroon ako sa mga labi at nagpasya na mag liptint na lamang.
Natigilan ako nang makita mula sa labas ng coffee shop ang lalaking nakatayo sa tabi ng pamilyar na kotse at nakatitig sa akin mula doon habang nakapamulsa.
Napalunok ako at nag-iinit ang mukha na umiwas ng tingin dahil sa nahuli niya ako na nag-a-apply ng liptint.
Baka isipin niya ay...
Nang muli akong lumingon doon ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.
Paglingon ko sa harapan ko ay nagulat pa ako nang makita siyang nasa harapan ko na at nakaupo.
Si Lee.
Hindi ako nakaiwas nang abutin niya ang pisngi ko at naramdaman ko ang marahan na pagpunas niya sa bandang ibaba ng aking pang-ibabang labi.
Nang pakawalan niya ang pisngi ko ay doon ko nakita ang bahid ng liptint ko sa kaniyang daliri.
Napahawak ako sa aking labi habang nakatitig sa kaniya na nakatitig din sa akin.
Eksaktong magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.
"Damn. I missed you.."
Napaamang lamang ako nang marinig iyon at tila nais ko rin ibalik sa kaniya ang kaniyang mga sinabi pero nagpigil ako.
Huminga ako ng malalim at kukuhanin na sana ang sobre sa bag ko nang muli siyang magsalita.
"Hindi ako nakatulog ng ilang araw sa kakahintay ng tawag o message mo."
"Lee.." tanging pangalan niya ang aking nasambit.
Diretso siyang nakatitig sa akin. At kahit halata nga sa mga mata niya na namumungay na tila ba inaantok ay napakagwapo pa rin niya. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango na kaniyang gamit. Nakakalasing ito at nakakapanlambot kaya mas lalo akong hindi makapagsalita.
Nilakasan ko ang loob ko at tuluyan inilabas ang sobre na nasa bag ko at inilapit iyon sa tapat niya.
Hindi siya doon nakatingin bagkus ay sa akin parin
"Hindi ko talaga matatanggap—
"I missed you Nicole. At kahit nasa harapan kita ngayon, nami-miss pa rin kita."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napayuko na lamang.
Hindi ko kayang salubungin ang nangungusap niyang mga mata dahil alam ko na bibigay na ako.
Nang hawakan niya ang isang kamay ko ay napaangat ako ng tingin.
Napaawang ang mga labi ko nang makita ang isang ngiti na tila ba punung-puno ng emosiyon habang nakatitig sa akin.
"Come back to me." aniya na at mas humigpit ang hawak sa kamay ko. "Hindi ko gusto ang pakiramdam na hindi kita nakikita. I just want to see you everyday. I need to hear you voice beside me, everyday." mahina lamang ang pagkakasabi niya pero ramdam ko ang sinseridad nito. Parang sasabog ang ulo ko sa samu't saring emosiyon at what ifs ang isipan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/373046436-288-k704463.jpg)