8

1 0 0
                                    

"Why?"

Hindi ako kumibo nang marinig ko ang tinig ni Nicole mula sa aking likuran. Nanatili akong nakatitig sa labas sa mga gusali doon.

Alam ko na mangyayari ito.

Sigurado na kukuwestiyonin niya ako tungkol sa nangyari kay Carson.

"Kailangan mo ba talagang gawin iyon? I told you. Walang dapat ipag-alala-–

"Hindi ito tungkol sa kung ano man ang iniisip mo." seryoso ko siyang hinarap at pinamulsahan. "He broke some rules of this company and he deserved what he received."

"Liar." ang mga titig niya sa akin ay puno ng pagdududa.

Nang humakbang ako papalapit sa kaniya ay siya naman pag-atras niya hanggang sa mapasandal na siya sa pader.

Inilapat ko ang isang palad ko sa gilid ng kaniyang ulo habang nakatitig ng seryoso sa kaniya.

"Liar?" huminga ako ng malalim at pinadaanan ng isang kamay ko ang kaniyang buhok na nakalugay ngayon. "Baka ikaw.." makahulugan ko na sabi sa kaniya. "Hanggang ngayon ay nagsisinungaling ka pa rin sa akin. Wala akong itinago sa iyo, pero bakit parang ang dami mong hindi sinasabi sa akin."


"Ako na lang ang tanggalin mo. At ibalik mo na si Carson. Marami na siyang nagawa para sa kumpanyang ito. Kung alam mo lang kung gaano kahalaga ito sa kaniya—

"Ganito ka kahalaga sa akin."

Natigilan siya sa aking mga sinabi.

"Kaya kong gawin ang lahat mapanatili ka lang sa aking tabi. But you disappointed me. You liar."

Umiwas ako ng tingin at umatras ng kaonti para mas makita ko ang kaniyang mukha na puno ng pagtataka.

Kinuha ko ang phone ko at iniharap sa kaniya ang larawan na nagpainit ng dugo ko kay Carson.

"You avoided him? What's this. You cannot fool me." umiiling ko na sabi sa kaniya.

Umiling siya nang makita ito. "It's not what you think–

"Then tell me." hinawakan ko ang kaniyang buhok habang nakatitig sa kaniya. "Tell me. Bakit ganiyan kayo kalapit sa isa't isa..."

Huminga siya ng malalim at pinalis ang kamay ko.
"Wala kong dapat ipaliwanag dahil wala akong ginawa. Hindi ko kayang gawin ang mga iniisip mo. Kung ayaw mo rin maniwala sa akin, maiwan na kita. Kapag okay kana at kaya mo ng ibalik si Carson ay doon tayo mag-usap."

Naikuyom ko ang mga kamao ko nang marinig iyon at tinalikuran niya ako.

Humakbang siya papalapit sa pintuan.

Nang buksan niya ito ay malakas ko itong itinulak pabalik hanggang sa magulat siya at mahawakan ko siya braso.

Marahas ang pagkakahawak ko sa kaniya at nang ipinid ko siya sa pintuan ay nanlalaki ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap." malamig ko na sabi sa kaniya. Nakaramdam ako ng matinding iritasiyon dahil sa mga sinabi niya. "Bakit parang ako pa ang may mali dito? Hindi ba ikaw ang may pagkakamali? You lied to me Nicole.." nanggigigil ko na sabi pero pabulong lamang ito.

Hinawakan niya ang kamay ko sa kaniyang braso atsaka siya ngumiwi.

"You're h–hurting me.."

Doon ko bahagyang niluwagan ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Don't play with me Nicole. Don't make me feel jealous like this." may pagsusumamo sa aking tinig dahil hindi ko ma-control ang aking sariling damdamin. "You're hurting me too. It sucks. Damn it. Nakakainis dahil pakiramdam ko, mas higit ang nararamdaman ko para sa iyo kaysa sa nararamdaman mo para sa akin kaya ginaganito mo ako. Balewala lang ba sa iyo ang nararamdaman ko? Hindi mo ba naiintindihan? Pakiramdam ko ay niloko mo ako."

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon