(👽: At dahil kinilig ako sa mga pa-ayuda ng MaColet ay ipu-published ko 'to;>)
“Maki?” Aling Cresinta called the latter out, noticing the girl had been staring way too long into the mirror.
Although a part of Maki is happy, her half feels nothing but fear and anxiousness. Specially when her thought will drift back to where Cielo confessed to her that she had no recollection of what happened between them. Maki's knees suddenly became jelly and she shudders.
Aling Cresinta immediately embraced the younger girl into her arms, Maki let out quiet sobs and tuck herself deeper into the encased arms around her as she cry her eyes out.
“Shh, it's okay. You'll be okay.” pag-aalo ng matandang babae kay Maki.
Patuloy pa rin ang paghagulgol ng dalaga sa kaniyang yakap. Hinagod ng babae ang likod ng dalaga.
“Shhh, tahan na hija. Masama sa'yo at sa bata ang sobrang pagka-stressed.” saad ni Aling Cresinta sakanya.
“C-Can...I..t-take a pregnancy t-test?” Maki tried to say between her sobs and the older woman just nodded at her.
“Syempre naman. Oh siya, tahan na dali, anong gusto mo? Gusto mo kumain o may gusto ka bang kainin? Para mapagluto na kita.” aniya ni Aling Cresinta at inalayan ng isang malawig na ngiti ang dalaga.
“Gusto ko na lang po muna magpahinga.” sambit ni Maki at inalayan ng mahinang ngiti ito.
Tumango naman ang matandang babae at tinulungan na tumayo ang dalaga para pumunta sa loob ng kuwarto. Pinahiga ni Aling Cresinta ang dalaga sa kama ng dahan - dahan at nagtungo palabas ng silid para iligpit at ilayo ang sinigang roon, bumalik siya ng may dala dalang isang basong tubig. Nadatnan naman niyang tulog na ang dalaga.
“Ang bilis makatulog...” bulong ni Aling Cresinta at inilagay ang tubig sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi ng kama.
Bago siya umalis ay hindi niya nalimutan na takluban ng kumot ang katawan ng dalaga. Inayos niya rin ang pagkakahiga ng ulo nito upang maging mas komportable ito. Iniwan na ni Aling Cresinta ang dalaga nang masigurado niyang mabuti at maayos na ang kalagayan nito.
Nagising si Maki nang maalala niya bigla ang trabaho niya, agad na napabalikwas siya at napatingin sa orasan na nasa tabi ng kama, tumambad sa kaniya ang oras sa digital na orasan– 08:39 AM. Napagtanto niyang halos isang oras din siyang naka-idlip. Agad na bumangon si Maki upang mag-ayos. Sa hindi niya inaasahan ay sa loob ng labing limang minuto ay natapos na siya sa paghahanda at kaniyang tinungo ang labas ng kwarto. Nadatnan niya sa kusina si Morgana na kumakain at agad siyang inaya nito na kaniya namang magalang na tinanggihan. Nagpalinga linga si Maki sa paligid na animo'y may hinahanap.
“Si Manang Cresinta ba?” napatingin si Maki kay Morgana nang magsalita ito at tumango.
“She's doing groceries.” tumango ulit si Maki bilang sagot at nagpaalam na siyang aalis.
Bago pa man siya tuluyang makaalis, ay pinigilan siya ni Morgana.
“Sumabay ka na sa'kin.” aniya ni Morgana.
YOU ARE READING
GAMBLE WITH FATE♠️
RomanceA MaColet main au wherein, Maki (Marina Kira Rivera) became Cielo's (Cielo Madrigal) secretary in the hope that the woman would notice her existence; however, three years have passed, but their relationship remains professional. Will this kind of re...