Cielo woke up from her deep slumber, her eyes immediately drifting to look at the digital clock on the nightstand table.
09:50 PM
She instantly noticed the empty space on the other side of the bed. Cielo sat up right away, feeling the alcohol in her system dissipating. A faint throbbing pain on her temple, as she massage them with her fingers. After a while she lifted herself out of the bed and went towards the kitchen to get a cold water.
Nadatnan niya si Aling Cresinta doon na umiinom rin ng tubig, kaagad naman napansin ng matandaang pesensya ni Cielo.
“Cielo hija, nasaan si Maki?” agad namang tanong ng matandang babae sa dalaga.
Nagpalinga linga ang tingin ni Cielo sa paligid habang nagsasalin ng tubig sa isang malinaw at babasagin na baso.
“Bakit po? Wala pa po ba siya dito?” tanong pabalik ni Cielo sa punong kasambahay nila.
Agad na umiling ang matanda.
“Kanina pa po siya umalis sa opisina, actually mas nauna pa nga siyang umalis kesa sa'kin.” sabi pa ni Ciel at ininom ang malamig na tubig na kaniyang sinalin.
“Nag-aalala na ako hija para sa dalagang 'yon lalo na at–” naputol ang sasabihin ni Aling Cresinta nang mapagtanto niya ang paki-usap sakanya ni Maki.
Biglang kumunot ang noo ni Cielo.
“‘Lalo na at’ ang alin?” pagdudugtong ni Cielo rito. Napailing ng ulo si Aling Cresinta at inalayan ng tipid na ngiti ang dalaga.
“Lalo na at gabi na, hija.” sagot naman ng matanda.
Sa loob loob niya ay nagpaalwas siya ng malalim na hininga.
“Ahh, baka lang po may dinaan Manang, she'll be here soon.” kumpyansadong saad ni Cielo at nagpaalam na sa matanda para bumalik sa kaniyang kwarto, ngunit hindi niya nakalimutan magdala ng isang basong tubig.
Pagkabalik niya sa kaniyang kwarto ay agad siyang uminom ng painkiller na gamot para sa kaniyang kumikirot na ulo, bahagya siyang tumihaya sa malawak niyang higaan. Gumawi ulit ang kaniyang tingin sa orasan at nakita niyang alas dyes na pala. Bumaling ang kaniyang mata sa nakabukas na pintuan, iniwan niya itong nakabukas dahil baka hindi magtagal ay dumating na rin si Maki. Ilang minuto pa ang lumipas, nakaligo na siya lahat lahat at ngayon ay nakasandal na siya sa uluhan ng kaniyang kama habang naglalaro ng ml sa kaniyang cellphone, ngunit hindi pa rin dumarating si Maki.
‘Bakit ko ba 'yon hinihintay?’ Cielo thought to herself. Letting out a sigh.
Agad na napabalikwas siya nang makarinig siya ng mahihinang yabag mula sa labas, dagli siyang lumabas at bumungad sakanya ang kapatid niyang si Morgana na pasuray suray sa naglalakad papunta sa kaniyang silid. Nagsalubong ang kilay ni Cielo nang makita ang kalagayan ng kapatid.
“Morgana?” kaniya itong nilapitan at tinulungan sa paglalakad.
“Oh, hiii. Ate Cielo~” Morgana slurrs, flashing a sheepish smile to Cielo.
“Maki's birthday was so fun! Why weren't you there? She didn't invite you?” natatawang sambit ng dalaga sa kapatid.
“Lasing ka na, Morgana. Let's get you to bed.” Cielo muttered and help her sister walk to her bedroom.
“Do you want to take a bath or do you want to sleep right away?” kaagad na tanong ni Cielo nang makapasok na sila sa loob ng kwarto ni Morgana.
Morgana hummed and plopped herself on the bed with her stomach first.
“Sleep.” she murmurs.
YOU ARE READING
GAMBLE WITH FATE♠️
RomanceA MaColet main au wherein, Maki (Marina Kira Rivera) became Cielo's (Cielo Madrigal) secretary in the hope that the woman would notice her existence; however, three years have passed, but their relationship remains professional. Will this kind of re...