Chapter 15

1.4K 23 0
                                    

Ang unang pumasok sa isipan ko nang makita ko ang galit sa mukha ni Elijah ay harapin siya at ilayo agad kay Sebastian but the hand of the latter was holding me so tight that I can't even step-forward para makalapit ulit kay Eli.

"What do you think you are doing, Ynares?" tanong ko pero wala sa akin ang atensyon niya.

Pareho sila ni Elijah na nakatingin sa isa't-isa at walang kumukurap. Walang gusto na magbaba ng tingin dahil ayaw nilang magpatalo.

Ugh. T-These two! I felt like they've known each other to act like this! Ang isura ni Sebastian ay nang-aasar at pakiramdam ko ang nakakuyom na kamay ni Eli ay malapit nang umangat at suntukin ang mukha ng kaharap.

We will be in trouble if that happens!

Muli ko na sinubukan na bawiin ang kamay ko at doon na napatingin sa akin si Sebastian. And when I glared at him, his smiled became wide as if he's enjoying what's happening.

"Shouldn't you be at my side, Pristine? I suppose nagkausap na kayo ng lolo mo."

"Nagkausap pero hindi ibig sabihin non ay may karapatan ka nang hawakan ako ng ganito. Hindi pa rin kita binibigyan ng pahintulot."

His smiled vanish and his jaw tightened while looking at me. Muli niyang binalikan ng tingin si Elijah na nasa likod ko na ngayon ay wala na siyang ngiti at seryoso na nakatingin dito.

"We'll go inside. I'll pretend you didn't affectionately ask my fiancée who she likes."

A-Affectionately? Normal lang naman ang paraan ng pagtatanong ni Elijah! Saka papasok ako sa loob ng hindi susunod sa kaniya!

Nang susubukan ko ulit na hilahin ang kamay ko ay saka ko naman naramdaman na hinawakan rin ni Eli ang kabila. I stopped pulling my hand and look back at him. He's calm than earlier but madness can still be seen in his face.

"Let her go," he said with a menacing tone. Sebastian didn't even moved a finger, he just gripped my hand tightly.

"Why would I?" nanunubok pa na tanong nito.

"Ynares, just let go--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko at napaigik nang hilahin ako palapit nito sa kaniya pero nang makita 'yon ni Eli ay ganoon na lang ang galit na nakita ko sa mga mata niya at siyang paghila sa akin pabalik.

T-They're pulling too much!

"Can you two stop it? N-Nasasaktan ako!" I hissed. Parang bakal ang mga kamay nilang dalawa sa pulsuhan ko na bumabaon.

"You should be the one to let her go, bodyguard. O gusto mo na gumawa ako ng paraan para hindi lang pagbitaw sa kaniya ngayon ang gawin mo? Kung hindi mismong mawala ka na sa buhay niya?"

After Sebastian said that, a monstrous expression appeared on Elijah's face. My lips parted as he stepped forward and grabbed Sebastian by the collar, instilling fear in me. Mukhang hindi rin 'yon inaasahan ng huli at napabitaw agad sa akin. At nang mapagtanto ko kung ano ang mas mapanganib na maaaring mangyari ay humakbang agad ako.

"D-Damn," Sebastian cursed under his breath, struggling against Elijah's hold.

"E-Eli!" matigas ngunti mahina ko na tawag dito. I was horrified to see him mad, but right now what's important is mailayo si Sebastian sa kaniya! But how? Kio wasn't hear and any moment our classmates will notice us! Tumataas na ang boses nila pareho dahil sa galit!

Natutop ko ang bibig ko dahil ibinalya niya sa pader sa gilid si Sebastian at nakita ko ang pagkalukot ng mukha nito na tanda na nasaktan.

"What the fck did you say, kid?"

O-Oh ghad. N-No, Elijah!

Agad ako na lumapit at hinawakan sa braso niya si Eli para alisin ang mga kamay niya na mahigpit na nakahawak sa kwelyo ni Sebastian. He's shaking, he's in rage that his body is trembling because fo what Sebastian said.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon