Chapter 25

212 7 0
                                    




"Bakit, ma'am?"

Nang makabalik si Ate Lena at si Kio ay lumapit kaagad sa akin ang huli. Siguro ay napansin niya na hindi ako mapakali. At habang nag-aayos ang ate ng mga ipasusukat niya sa akin na gown ay sinabi ko na nga ako kay Kio.

"Uuwi daw si Elijah and he's on the way now.," sabi ko at nang titigan ko siya ay napailing lang siya habang nakangiti. Para bang inaasahan na niya ang sasabihin ko.

Inilayo sandali ni Kio ang tingin at kinuha niya ang cellphone niya ay itinapat niya sa akin ang screen non. Nang makita ko ay napakagat ako sa aking pang-ibabang labi, puno 'yon ng mga mensahe ni Elijah at walang kahit isang reply na galing sa kaniya. Sunod-sunod na mga tanong kung ano ang ginagawa ko at kung bakit hindi ako matawagan.

"Alam ko na rin naman na hindi makakatiis yun. Ang higpit ba naman pagdating sa 'yo. Sinabi ko na rin kanina na may ginagawa ka lang sa loob at baka kausap mo 'yong kaibigan mo pero hindi pa rin siya mapakali. Is he always like this, Ma'am Pristine? Ibang-iba siya ngayon."

Umiling ako dahil kahit ako ay naninibago. Pero napansin ko nga na may iba kay Elijah simula nang mangyari 'yon, na nagtanong ako kung may gusto siya sa akin. And when we were alone at that time at the back garden, sa hammock when I asked him about if it's true kung aalis na siya.

He became more protective of me. At kahit ang tungkol kay Sebastian, na narealize kong maaring gusto lang makipagkaibigan sa akin sa mga sinabi nito ay hindi papayag si Eli. He gave his words. Final na talaga 'yon na hindi niya ako hahayaan na makipag-usap kay Sebastian. Kilala ko siya.

But when he talked about him, parang kilala na siya ni Eli.

Nang tinawag ako ni Ate Lena upang magsukat ay lumabas naman na si Kio. He asked me what was gonna happen for him kasi nga ay babalik na si Eli--pauwi na at ngayon na ngayon na. Sinabi ko na lang sa kaniya na maghintay siya sa silid niya at hindi naman na kailangan na umalis siya agad ngayon.

Even though Elijah told me to make Kio leave.

Nakakainis siya sa parte na 'yon dahil talagang kahit si Kio ay gusto na niya paalisin. In the first place siya naman itong nagsabi na mawawala siya ng dalawang lingggo and now he's being like this. Oo alam ko naman na masyado akong naging selfish pero tinanggap ko rin naman agad na may ibang kailangan siyang gawin.

Nang isukat ko na ang mga gowns na dalawa ng ate ay ang pinili ko pa rin talaga ang nagustuhan ko. Kumuha nga pala siya ng larawan habang suot ko ng mga 'yon at ipapakita raw niya mamaya sa lolo.

Nang makatapos na kami ay saka niya niligpit ang mga damit at ibinalik isa-isa sa lalagyan. Tinawag ko na rin si Kio para tulungan ulit siya.

"Hihintayin ko na lang ang lolo mo sa baba, Pristine. Dito ka muna?" tanong ng ate. Tumango ako at nang tumunog ang cellphone ko ay kinuha ko agad 'yon.

I pouted when I saw Elijah's message saying he's near. Ang bilis naman! Wala pang dalawang oras! Malayo ang Karmona paanong pagpapatakbo ba ang ginawa niya sa kotse niya?

Nang makalabas ang ate ay nakatingin ng nagtataka sa akin si Kio. Napabuntong hininga ako at hinid na napigilan na hindi magkwento sa kaniya.

"Elijah doesn't approve of me talking to Sebastian. Nang sabihin ko kanina sa kaniya ay nainis siya, no--he looked mad. Mayabang si Sebastian pero hindi naman ito masamang tao, Kio," sabi ko.

Nakangiti siya. He even snapped his fingers. Iyong ngiti niya ba ay parang may ibang kahulugan.

"Nang sabihin ko na si Esther ang kausap mo ay wala siyang binanggit Pero nang tumawag ata ulit at hindi ka matawagan ay iyon na. Doon mo sinabi na ang lalakeng kaklase mo ang kausap mo?"

I nodded."

"Alam ko na bawal ako na makipag-usap basta sa iba, Kio. Nalaman ko 'yon kay Elli. May fiance na kasi ako, pero sinabi niya sa akin na hindi ako maaaring malapitan ng ibang lalake at nauunawaan ko dahil gusto ni papa--"

"Sigurado ka na ang papa mo ang may ayaw non?" makahulugan niyang tanong.

Hindi ako kaagad nakasagot.

"Sinabi ni Elijah sa 'yo na utos ng papa mo na huwag palalapitan sa mga lalake?" he asked.

Hindi na naman ako nakasagot. At nang magsasalita siyang muli ay pareho kaming nagulat nang malakas na bumukas ang pinto. Napatingin kami doon ay napalunok ako nang makita ang hindi maipinta na mukha ni Elijah.

"Ask him, Ma'am. Ito na pala, eh," sabi ni Kio at naglakad na ito palabas. Pero bago niya lagpasan si Elijah ay nagsalubong ang mga kilay ko nang parang binigyang galang niya ito dahil sa pagyuko na ginawa niya.

When Kio left and I was alone with Eli, I felt the atmosphere become awkward with him. Ngayon ko lang ito naranasan sa kaniya! Na halos hindi ko siya matingnan!

Nang maglakad siya sa akin ng mas malapit ay napaatras pa ako na tiyak napansin niya dahil mas nagsalubong ang mga kilay niya.

"Eli..."

He is mad! Wala talaga siya sa mood at kitang-kita 'yon sa mukha niya ngayon! Nang nasa harapan ko na siya--sobrang lapit na halos nagkakadikit na ang aming mga braso ay yuyuko na sana ako nang hawakan niya ang baba ko.

Iniangat niya 'yon at mariin niya akong tiningnan.

"Aren't you gonna welcome me, princess?"

My lips moved. Napagdikit ko ng mariin ang mga labi ko habang nakatingin sa kaniya. Ang mga sinabi ko kay Kio kanina na napansin kong pagbabago kay Elijah ay mas ramdam ko ulit ngayon. His eyes... they're looking at me differently. And the way he was catching his breath as if he didn't stop running until he gets here to see me.

"W-Welcome back, Eli," I said. Biting my lips at nang hawakan niya ang pang-ibabang labi ko ay napalunok ako. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko lalo at nakatingin siya sa akin ng malalim.

"E-Elijah..." I whispered.

Pero mabilis siyang tumalikod. At sa gitna ng pagtatagis ng bagang niya ay napailing siya at napangiti. I even heard him cursed.

"Damn it. What a fckng temptation."

W-What? Ano iyong sinabi niya?

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon